Sino Ba Siya!

SDC12208.JPG

Pinakabagong programa ng Radyo Natin Guimba na magpapakilala sa mga kumakandidatong pulitiko sa Bayan ng Guimba at lalawigan ng Nueva Ecija. Ito ay bahagi pa rin ng panawagan sa taong bayan ng bigyan dangal ang boto ngayong halalan.

Ipapakilala ng panauhing pulitiko ang kaniyang sarili at ihahayag ang mga usaping pambayan na nais nitong talakayin, gayundin ang kaniyang plata porma de gubyerno. Ang mga nakikinig ay hinihikayat namang makilahok sa pamamagitan ng pagpapadala ng text messages para graduhan kung "good", "better' o "best" ang pagtalakay ng panauhing pulitiko.

Report on Operation Damayan Pamaskong Handog 2009

IMG_1133.JPG

I. Resources Generated from DONOR:

1.1. Guimbanians Abroad: (Cash Donations)

1. Imelda Tabaquin-Fruto, California, USA...........................USD40.00 or PHP1,840.00
2. Jocelyn Bravo-Ines & Jaquelyn Bravo, California, USA...USD50.00 or PHP2,300.00
3. Dra. Belinda Santos-Senar, California, USA..................USD110.00 or PHP5,060.00
4. Analiza Santos, Canada...................................................CAD50.00 or PHP2,150.00
5. Dra. Rachel Beltran-Andrada, USA.................................USD100.00 or PHP4,600.00

Boto Mo Boto Ko Makabayang Pulitiko - Last Day

in
2993023381_1635faabe1.jpg

OKTUBRE 30, 2009 ng gabi, umuulan…Tuloy ang consierto ng RNG at bago maghating gabi, umakyat na sa stage ang bandang "Last Day". Kahit pumapatak at basa na ang mga instrumento, narinig ang tinig ng grupo. Unang inawit ang Boto Mo Boto Ko Makabayang Pulitiko.

Sa 7 local rock band na lumahok sa consierto, ang Last Day at isa pang banda (The Entity) ang nakapag-lapat ng tunog sa Boto Mo Boto Ko chanting ng RNG.

LIMANG TAON NA PO

IMG_0709.jpg

LIMANG TAON NA PO ANG RADYO NATIN GUIMBA SA OKTUBRE 31, 2009 AT NANATILI PO KAMI SA HIMPAPAWID DAHIL SA INYO PONG PAGTANGKILIK. LIMITADO LAMANG PO ANG AMING REKURSO NGUNIT DINUDUGTUNGAN NG WALANG SAWA NINYONG PAGSUPORTA

ITO ANG NAGPAPALAKAS NG AMING LOOB PARA PUMANIG LAGI SA KAPAKANAN NG SAMBAYANAN KAYSA SA KANINO MANG INTERES.

ANG AMING KAALAMAN, KASANAYAN, PROGRAMA AT ISTILO AY GINAGABAYAN NG AMING HANGARING TUNAY NA MAKAPAGLINGKOD SA MALAWAK NA SEKTOR NG POPULASYON, ANG MGA MAGSASAKA, MANGGAGAWA, SENIOR CITIZEN, KABATAAN AT KABABAIHAN.

PAG-IBIG, PAGMAMAHAL at PAGGILING

061109guimbawestdistrict_gamit_eskwela 037.jpg

MARUNONG ka bang gumiling? Opo, yung sayaw na "giling-giling". Takaw-pansin ang sayaw na ito eh. Sa anumang istilo gawin, mapapako ang mata ng mga nanonood, lalut na't kung gigiling ka sa awitng "Pag-ibig, Pagmamahal" ng ASIN.

Atensyon po Mayor Boyito Dizon, Vice Mayor Ler de Guzman, Dr. Felix Lumang at Col. Virgilio Fabros! Sa lahat ng sumuporta, sa lokal at abroad. Pati na ang mga visitor sa site. Panoorin po ang gilingan at iba pa, sa matagumpay na paglulunsad ng Operation Damayan: Gamit Eskwela Alay sa mga Bata 2009.