Buhay at Karamdaman ng mga nabiyayaan ng walker sa tulong ng Children’s International
ISANG kasunduan sa pagitan ng mga tumanggap, kinatawan ng Children International at Radyo Natin Guimba ang nilagdaan. Nakasaad sa naturang kasunduan na ang walker ay gagamitin ng napiling indigent beneficiary kung saan ito ay sumasangayon na kapag hindi na niya ito kakailanganin ay isasauli sa Barangay Health Worker upang ipahiram naman sa iba pang nangangailangan sa Barangay.
Mga nabiyaayaan ng walker:
1. Pedro Baldobino
Dalawang taon na ang nakalilipas ng ma-stroke sa pangalawang pagkakataon si Ginoong Pedro Baldobino, 58, residente ng Barangay Nagpandayan, Guimba. Paralisado ang kaliwang paa at kamay ngunit naigagalaw-galaw ng kaunti. Under rehabilitation ang kanyang status ngunit sa kalagayan niya sa buhay, hindi siya nakakainom ng gamot na pang-maintenance. Walang pambili bunga ng kahirapan. Posible pang mai-stroke muli, dahil sa presyon ng dugo na tumataas-bumababa.
Dating nakikigapas ng palay at obrero sa thresher ang hanapbuhay ni Mang Pedro nang unang ma-mild stroke ito. Matapos ang 3 buwan ay na-stroke muli, noon ay nakasakay siya sa tresher sa kainitan ng panahon, dala ng hilo ay nahulog ito.
Gayuman, ang iniindang karamdaman ay hinigitan pa ng mas masaklap na pangyayari. Iniwan siya ng sariling pamilya. Sa kasalukuyan, ito ay nakikitira na lamang sa kapatid.
Nang tanggapin ni Mang Pedro ang isang walker noong Sabado ng umaga ng Oktubre 25, 2008, mababanayad sa kanyang mata ang pangingilid ng luha. Luha ng kasiyahan habang pabulol na sinasambit ang pasasalamat sa donor.
2. Renato Capinpin
Pebrero 2008, nang ma-mild stroke si Mang Renato Capinpin, 62, residente ng Barangay Macatcatuit, Guimba. 280/240 ang kanyang blood pressure, maliliit na ugat umano ang tinamaan kaya nakayanan ang taas ng BP. Resulta nito, walang lakas ang kaliwang kamay at kaliwang baywang.
Bukod sa stroke ay may “bato” sa apdo si Mang Renato. Nangangailangan ng operasyon ngunit sa kahirapan ng buhay, tinitiis na lang ang nararamdaman. Madalas ay sinusumpong sa gabi, hindi kaagad makabangon at makaihi.
Siya ay tumanggap din ng isang walker mula sa Childrens Intrnational. Hiling pa ni Mang Renato, tulad ni Mang Pedro ay matulungan din sa maintenance ng gamot.
3. Elio Guerra
Si Tatang Elio Guerra, 68, residente ng Barangay Nagpandayan, Guimba ay may kapayatan, nagkaroon ng lamat ang buto sa bandang hita nang ito ay mahulog sa puno. Hindi na naipa-opera kaya hinihila na lang ang kanang paa na hirap ihakbang.
Ang tungkod na kawayan ay napalitan ng isang Walker na ipinagkaloob ng Children’s International. Aniya, hindi niya kayang bilhin kahit ng kanyang mga anak ang natanggap na walker. Mahirap na magsasaka ang pamilyang kinabibilangan ni Mang Elio at kahit may kapansanan, nagagawa pa nitong magtanim ng gulay.
4. Alex Pailas
Si Alex Pailas, 20, residente ng Maturanoc, Guimba. Sa kanyang itsura, aakalaing 7 taong gulang lamang. Hindi lumaki ng normal, laging nakakapit sa ina. Hirap lumakad mag-isa pero kung may gabay ay nakakayanang umusad. Sa kanilang bahay, isang upuang “monoblock” ang ibinili ng ina, ito ang kanyang unti-unting itinutulak para umusad at makarating sa pupuntahan. Congenital umano ang problema ni Alex, abnormal ang kanyang motor developmemt pero masuwerte pa rin siya dahil nasasabi niya at naipaparamdam ang kanyang saloobin.
Siya ang pinakabatang tumanggap ng Walker na ipinagkaloob ng Childrens International sa pamamagitan ng Radyo Natin Guimba.
5. Adora Obligasyon
Parang bata sa itsura si Adora Obligasyon, 40, naninirahan sa Barangay San Agustin, Guimba. Nang tanggapin ang ibinigay na walker, ayaw niyang may aalalay. Sanay kasing gumamit ng upuang plastic na hila hila kapag naglalalakad. Ayon sa ina na si Aling Lolita, ipinanganak niyang may diperensya sa pisikal at isip ang kanyang anak (mongoloid).
Silang mag-ina na lamang ang naninirahan sa kanilang tahanan at tinutulungan na lang ng mga kapatid sa panggastos sa araw-araw.
6. Julita Eustaquio
Si Aling Julita Eustaquio, 39, taga Manggang Marikit, Guimba at tinamaan ng “polio” ang dalawang paa. May 3 anak kay Mang Francisco “Kiko” Eustaquio.
Maamo ang mukha ni Aling Julita, parang anak lang ni Mang Kiko, kapansin-pansin na nahihiya siyang humarap sa mga tao at halos ayaw kumibo. Aniya, mahiyain talaga siya ngunit ipinagmamalaki niya na siya ang nag-aalaga sa kanyang 3 anak. Nagagawa rin niya na magluto at maglinis ng bahay. Pagdating ni Mang Kiko galing sa bukid, ipinagtitimpla na niya ito ng kape. Malaki ang maitutulong ng walker sa araw-araw niyang Gawain sa loob ng bahay.
7. Ricardo Galicia
Dating dispatcher sa paradahan ng pampasaherong jeep na byaheng Guimba-Tarlac si Mang Ricardo Galicia, 61 at residente ng Barangay Sto. Cristo, Guimba. Hindi na makapagtrabaho matapos na madulas sa paradahan, walong taon na ang nakalilipas. Nabalian ng tuhod, ipinahilot na lamang at hindi na naipa-opera. Mula noon hindi na makalakad ng normal.
Bukod sa napinsalang tuhod, lagi umanong sumasaki ang tagilirang katawan nito.
Malaking tulong ang walker na ipinagkaloob sa kanya ng Children’s International. Hindi na umano siya mahihiyang lumabas ng bahay . Mamamasyal gamit ang walker dahil mas matibay at mas maganda kumpara sa tungkod na kawayan.
8. Silverio Duca
Matagal ng paralisado ang 2 paa at kamay ni Silverio Duca, 60, taga Sto. Cristo, Guimba, ngunit nakakalakad ng dahan-dahan. Namamaga ang mga paa at kamay ni Mang Silverio na parang minamanas. Kinukulang sa iniinom na gamot.
Sa tulong ng walker na natanggap mula sa Children International ay umaasa siya na gaganda ang sitwasyon ng paralisadong paa.
9. Carmelita Cabral
Oktubre 27, 2008, araw ng Lunes nang makuha ni Aling Carmelita Cabral, 59, residente ng Barangay Narvacan 1, Guimba ang handog na walker ng Children International.
Isang taon ang nakalipas bago muling magpa-tsek-up kay Dra Flor Paguio Esteban,, isang internist sa Bayan ng Cuyapo at regular na volunteer Doctor sa Gamutang Bayan ng RNG. Matapos ang tsek-up sa umaga ay iinidorso ito ng Doktora para makatanggap ng Walker. Nang araw ding iyon ay nagsadya sa himpilan ng RNG si Aling Carmelita, kasama ang 2 anak nito.
*Noong Oktubre 25, 2008, 3 pang walker na hindi pa nakuha ng mga tinukoy na beneificiaries. Para sa mga litrato, tumungo sa Gallery page-Gamutang Bayan with Children International.