UPDATED: Pamaskong Handog 2008 REPORT
1,089 pamilyang mahihirap…nabiyayaan ng pamaskong handog 2008
Pagtuntong ng December 18, 2008, araw-araw na ang Operation ng Pamaskong Handog 2008 na itinaguyod ng RNG Team. Araw-araw ang pamamahagi ng gift pack o regalo sa 11 natukoy na barangay sa Guimba at isang barangay sa bayan ng Quezon, kabuuan ay 12 Barangay.
Natapos ito noong Disyembre 30, 2008, huling namahagi sa Sityo Bertese, Barangay Lennec, Guimba, isang araw bago ang pagpasok ng 2009.
Araw-araw ang larga ng RNG team sa komunidad kasama ang mga masisipag na volunteers, di nararamdaman ang pagod at hapo ng katawan sa maghapong paglalakbay malayo man at malapit, maalikabok at bako-bako, ang mahalaga ay makarating sa tinurang lugar at maiabot ng personal ang pagsasalu-saluhan nilang nochebuena handog ng mga sponsors ng Radyo Natin Guimba para sa pamaskong handog 2008.
Nakamit ang target beneficiaries..
Umabot sa 1,089 mahihirap na pamilya sa bayan ng Guimba at Quezon, Nueva Ecija ang tumanggap ng Pamaskong Handog 2008 mula sa inaasahang 1,000 pamilya na target na mapagkalooban, lumagpas pa ng kaunti.
Sa detalye, 813 pamilya ang tumanggap ng pang noche buena na nagkakahalaga sa P133.00/pack bawat isa. Naglalaman ito ng 2 kilong bigas, kalahating kilo ng pansit, kalahating kilong macaroni, tinapay at iba pang item tulad ng bag, mga damit at mansanas na ipinamahagi sa 12 barangay.
Tatlong 3 barangay naman (Sinulatan, Faigal at Bunol) sa 12 Barangay ang na-benipisyuhan ng medical and dental mission kung saan 276 families ang naging pasyente noong Disyembre 20, 2008..
Guimbanian’s Abroad…pinakamalaki ang naiambag!
Mula sa kabuuang nalikom na halagang P119,030, pinakamalaki rito ang naiambag ng mga Guimbanian’s Abroad mula sa Canada, US at Japan na tinatayang nasa P72,780.00 habang ang local Guimbanian’s cash donation ay umabot sa P46,250.00
Dagdag pa rito ang nakalikom na 24 cavan na bigas, galing sa mga local sponsor dito sa Guimba at ang sako-sakong damit mula sa mga may pwesto ng ukay-ukay at sa ibinigay na mansanas para sa mga bata. .
Pagpili ng lugar
Mahirap o pinakamahirap na lugar ang isa sa criteria sa pag-identify ng priority areas, ang tawag dito ay “poorest among the poor” barangay.
Barangay Bolakid
Pinakamalayo at pinakamahirap na barangay na pinuntahan ng RNG Team ay ang barangay Bolakid. Kinakailangang umikot pa ng Bayan ng Licab at Victoria, Tarlac, kung nais mong umiwas sa halos 7 km malubak at maalikabok na daanan ng Barangay Nagpandayan at Agcano, bago makarating sa naturang lugar.
Madadatnan roon ang tirahan ng mahigit isang daang pamilya, marami ay bata at dikit-dikit ang 105 kulumpon ng maliliit na kabahayan na yari sa mga kawayan at kogon. Tanging ikinabubuhay ng mga residente ay ang pangingisda sa malapit na ilog at pagsasaka.
Ngunit karamihan sa mga naninirahan roon ay kasamak at nakiki-porsientuhan sa mga may-ari ng iilang mayayaman pamilya mula sa Victoria, Tarlac. Tatlo ang lenggwahe ang maririnig sa komunidad… Ilocano, Tagalog at Kapampangan. Bahain ang lugar na mayroong lamang 8 poso na pinag-iigiban ng maiinom na tubig para sa buong barangay.
Sitio Bertese, BarangayLennec
Sumunod na malayong lugar at maikakategorya din na isa sa pinakamahirap na komunidad ay ang sitio Bertese ng Barangay Lennec sa Guimba. Mga 7 kilometro ang layo mula sa sentrong Barangay. Isang liblib na pulo sa gitna ng malawak na bukirin. Tila walang naninirahan roon ngunit sa sandaling makapasok ka sa loob ng pamayanan, magugulat ka sa kapal ng mga batang paslit na nakisaya sa araw ng pamimigay ng pamaskong handog.
Kabayanan….
Pinakamalapit naman na pinuntahan ng RNG Team ang Bagong Silang ng Sta Veronica, Sityo Lote ng Sto. Cristo at Sityo Weste ng San Roque ng Guimba. Malapit sa sentrong Bayan ngunit tila napaka-malayong lugar na bihirang marating ng serbisyo ng pamahalan sa tindi ng kahirapan na mababakas sa lugar.
Dikit- dikit at maliliit na kabahayan, yari sa pinagtagpi-tagping yero at kugon ang bubong ng bahay o semi-concrete. Ilang pamilya rin roon ang napansin na walang palikuran, walang mga regular na hanapbuhay o pagkakakitaan. Kung meron man ay seasonal, add jobs tulad ng kargador, pahinante, nagtitinda ng palamig, nagbobote-bakal at iba pa.
Sila rin ang mga mahihirap na di naisasama sa pagbilang ng lumolobong pamilyang sumasala sa pagkain ng 3 beses isang araw.
Pamilyar ang mga mukha ng mga Nanay roon na tumanggap ng gift pack, sila rin ang madalas pumila sa Gamutang Bayan na ginaganap sa himpilan ng RNG tuwing Sabado.
Mga Haranista tumulong…
Samantala sa pakikipagtulungan ng Nagkaisang Haranista sa Quezon, nabigyan din ng gift pack ang 55 pamilya sa barangay Pulong Bahay ng Quezon. Isa sa mga poorest of the poor Barangay sa Lalawigan, ang bayan ng prominenteng pamilyang Joson. Karamihan sa mga nahandugan ay taga Purok 7 na walang serbisyo ng kuryente simula ng sila ay manirahan doon. Bahain din ang nasabing lugar, konting ulan ay baha…
Gimmick ni Dok Felix Lumang….
Added attraction ang gimik ni Doc Felix Lumang kung saan ay namudmod ito ng mga malulutong P20 bill sa mga bata at matandang nakisali sa hep-hep horray na pinasikat ng wowowee at siyempre ang mga bata ay kumanta rin ngmga awiting pamasko
Masaya ang lahat…
Bawat-isang tumanggap, nakangiting umuwi ng bahay bitbit ang mga supot at sambit ang mga katagang “salamat po sa nagbigay sa amin”
A. Beneficiaries of Pamaskong Handog 2008: (Gift Giving)
Date Areas No. of Indigent Families
December 18, ’08 Yuson, Guimba 85 families
December 18, ’08 Makatkatwit, Guimba 60 families
December 19, ’08 Bulakid, Guimba 50 families
December 20, ’08 Sinulatan, Guimba 75 families
December 20, 08 Sitio Istasyon Bunol, Guimba 50 families
December 20, 08 Faigal, Guimba 50 families
December 21, 08 Pulong Bahay, Quezon 55 families
December 22, 2008 San Andres, Guimba 70 families
December 22, 2008 Sta. Veronica, Guimba 50 families
December 23, 2008 San Roque, Guimba 75 families
December 23, 2008 Sto. Cristo, Guimba 53 families
December 30, 2008 Sitio Bertese, Lennec, Guimba 60 families
Plus Walk-in from diff. barangay and Haranista 80 families
-----------
Total: 813 families
B. Beneficiaries of Medical and Dental Mission (December 20, 2008)
3 barangay (Sinulatan, Bunol and Faigal)
Medical: 220 families
Dental: 56 individual
C. Mobilized Resources:
A. In Cash
Guimbanian’s Abroad:
1. Kuya Gil R. Madriaga- P3,000.00
2. . Guimbanian Association of Manitoba, Canada 44,370.00
President...............................Remy H. Robelo
Vice President........................Ben V. Badua
Secretary...............................Susan T. Magnayon
Asst. Secretary.......................Myrna A. Rimocal
Treasurer...............................Librada T. Mateo
Asst. Treasurer.......................Margarita R. Pagaduan
Auditor..................................Gil R. Madriaga
Asst. Auditor..........................Eddie Gomez
Sgt.at Arms...........................Rudy Magnayon
Nestor P. Mateo
Eugene Galindez
Committee...........................Linda Moises
Imelda F. Madayag
Alice T. Gomez
Beth C. Galindez
Advisers............ .................Rochelle Buenaventura
Remy F. Viernes
Carmeling Andres
Nelia G. Adatan
Senior Advisers ..................Florencio Gutierrez
Baldo Peralta
Anastacio Andres
Florentino Moises
3. Dra. Belinda Santos-Senar, California, USA 7,000.00
4. Marilyn Kozuka and families in US and Japan 3,000.00
5. Mrs. Jocelyn Bravo Ines, California, USA 5,000.00
6. Tessie Oemar-Lacson of Amsterdam, The Netherland 2,000.00
7. Fely Silvestre, Manitoba, Canada 3,810.00
8. Rudy Palomo, San Jose, California, USA ($100) 4,600.00
Local Guimbanian’s:
1. Mr. Manuel I. Lizarondo of Barangay Sto Cristo, Guimba P1, 000.00
2. Dr. Felix and Dra. Rebecca Lumang of Guimba General Hospital 5,000.00
3. Mr. Emil Galapon-II of Sto Cristo, Guimba 1,000.00
4. Engr. Alexander Coloma of Batch 67 Corregidor College 5,000.00
5. Mr. Arturo Figuroa ng Batch 67 ng Corregidor College 5,000.00
6. Kapitana Juanita Sawit of barangay Bacayao, Guimba 1,000.00
7. Myla Santos-Tolentino Palay Trading, Sto. Cristo, Guimba 500.00
8. Willie Santos of Total Gas Station-Guimba 1,000.00
9. Ric Dental Laboratory, Cabanatuan City 500.00
10. Benzon Ortaleza of cabanatuan City 500.00
11. Virgie Lugtu 1,000.00
12. Batch ’82 of Our Lady of the Sacred Heart Academy (OLSHA) 5,000.00
13. Pilar Dumayas- Dumayas Palay Trading, Sta. Veronica Guimba 2,000.00
14. Carlito Guiang of barangay San Roque, Guimba 450.00
15. August and Loida Laxamana Palay Buying Station-Guimba 500.00
16. SB Member Garry Mangalino of barangay Banitan, Guimba 1,000.00
17. ECS Pawnshop, Guimba Public Market 300.00
18. Mr. Bong Palisoc of Bong’s Junkshop, Bacayao, Guimba 1,000.00
19. Pharma Dynamics Drug Companies 300.00
20. Mr. Timoteo “Tinoy” Noveno, Barangay Bunol, Guimba 2,000.00
21. Terra Medic Inc. of San Pedro, Laguna 1,000.00
22. Mrs. Lilia Legarda of Legarda’s Frozen Food in Guimba 200.00
23. Col. Virgilio Fabros of Zulueta subd., Guimba 3,000.00
24. SB Member Gavino Jun Lacson of Manggang Marikit, Guimba 1,000.00
25. Mr. Allan Garampil of barangay Saranay, Guimba 1,000.00
26. Mr. and Mrs. Henry Yu of Guimba Homeland Furnishing Center 1,500.00
27. Barangay Council of Yuson, Guimba 1,500.00
28. Mercy Coloma 3,000.00
TOTAL: P119,030
B. In Kind (Rice)
28. Dr. Felix and Dra. Rebecca Lumang of Guimba General Hospital- 3 cavan rice
29. Barangay Captain Boyet Galapon of San Roque, Guimba 1 cavan rice
30. Kagawad Tano Madriaga of San Roque, Guimba 1 cavan rice
31. Manila Grill 1 box noodles
32. Banitan Brgy. Capt. Victor Guanzon - 1 cavan rice
33. Mang Carding Soliman Farm Tools Public Market, Guimba 1 bag of shoes
34. Mr. Eusebio Federico Sindanum III of Sta. Cruz, Guimba 1 cavan rice
35. Daisy Fuellos of Saranay district, Guimba 1 bag of u-cloth
36. Mrs. Regina de Guzman of barangay Sto. Cristo, Guimba 1 bag old books
37. Domeng and Fe Ramos Palay Trading of Sto. Cristo, Guimba 1 cavan rice
38. Panta Ramos Palay Trading of barangay Sta. Veronica, Guimba 1 cavan rice
39. Mang Lando and Tita Felomina Antonio ng barangay Maturanoc 1 cavan rice
40. Ex Barangay Captain Eduardo Valdez of barangay Faigal, Guimba 1 cavan rice
41. Ex-Kapitan Carlos Salviejo of barangay Manggang Marikit, Guimba 1 cavan rice
42. Mrs. Vicky Catabona of Baragy. Sto. Cristo, Guimba 1 cavan rice
43. Mrs. Edna Hernandez of Sto Cristo, Guimba Nueva Ecija 1 bag of u-cloth
44. Itang and Charlie Galapon Ukay-ukay of barangay San Roque, Guimba 2 sacks u-cloth
45. Gemma Estigoy Ukay-ukay, Guimba 1 sack u-cloth
46. Ms. Girlie Faigal 1 box u-cloth
47. Former ABC Captain Meliton Viloria and Family 2 cavan rice
48. Brgy. Captain Celo de Vera of Sto. Cristo ½ cavan rice
49. Nila Dela Cruz of Nila’s Palay Buying Station, Guimba 2 cavan rice
50. Barangay Captain Carlito Castro of Yuson 1 cavan rice
51. Mrs. Arlene Matias Ukay-ukay 1 sack u-cloth
52. Mrs. Josie Galapon of Sto. Cristo 1 box of u-cloth
53. Nagkaisang Haranista sa bayan ng Quezon assorted goods
54. Mrs. Cherry de Guzman of Pabling Palay Trading in Guimba 5 cavan rice & 1 box apple
55. Mr. and Mrs. Anet Tabubuca of Baby’s Dry Goods 1 bundle cloth
Medical-Dental Services
1. CBHP-Nueva Ecija, headed by Dr. Jun Ayson
2. Guimba General Hospital, headed by Dr. Felix Lumang
3. Knights of Columbus of Guimba, headed by Bro. Tito Esteban
4. Marriage Encounter- Guimba, headed by Mon Palma
5. Dr. Glee Fuellos of Fuellos Dental Clinic
6. Pedro Calungsod Alternative Healing Center headed by kuya Boy Libunano
7. Provincial Health Office and Guimba District Hospital
8. Dra Cora Lacurom Lying In Clinic

more powers
more powers to the guimbanian association,,,especialy to mr. rudy magnayon..:-)
pakiabot sah kanya,,tnx,,,
from:Lily of Surigao City,,