Bagong Tsinelas, Sakop rin ng Operation Damayan. Batang Paslit sa Bertese, Unang Nabiyayaan

DSCF0387.JPG

PUDPOD, magkaiba, marumi, butas-butas, magkaibang kulay at dahon… tipikal na hitsura ng mga tsinelas na kinakailangan ng palitan ng bago, upang mas makagalaw, makalakad at makatakbo ang isang bata. Isang kagustuhan na naganap nang mabigyan ng bagong tsinelas o step-in ang mga bata sa Sityo Bertese, Lennec, bayan ng Guimba noong Pebrero 3, 2009.

Sa muling pagtungo, kasama ang ilang mga tumutulong at sumusuporta sa programang Operation Damayan, sa katauhan ni Marilyn Andrada, muling nakapaghatid ng ligaya ang Radyo Natin Guimba (RNG) sa mga residente roon lalo na sa mga batang paslit.

Dahil ibinabahagi lamang ni Marilyn at ng Freinship Supermarket ang blessing na natatanggap sa Panginoon, mahigit 80 pares ng mga tsinelas at sandalyas, kabilang ang ilang stuff toys, gatas, canned goods, noodles at isang balikbayan box na puno ng mga damit ang naipamahagi.

Nagdulot naman nang walang pagsidlan ng tuwa ng mga nabiyayaan. Kitang-kita sa mukha ng mga bata ang kasabikan. Hindi mapigilan ang mga sarili na magtulakan sa kagustuhang maunang magsukat sa kakasyang bagong tsinelas. Maging sa kulay ay kanya kanyang pili at kapag sumakto ang naisuot na tsinelas, mapapasigaw pa ng ‘Yes’. Kapag naman malaki o maliit manghihinayang ito, ayaw pakawalan ang tsinelas, ipinipilit na magkasya kahit litaw na at sumasayad ang sakong at talampakan sa lupa.

Ilan sa mga batang paslit ang makikitang nakapaa. Kumapal na sa kalyo dahil walang sapin na tsinelas. Hindi alintana ang mga naapakang matatalim na bato gayundin ang bunmabalot na makapal na alikabok

Matapos ang masaya at medyo magulong pamimigay ng mga tsinelas at sandalyas, madali naman naipamigay ang mga infant milk, noodles, stuff toys at mga damit. Nakapila ang mag nanay karay-karay ang kanilang maliliit na bubuwit.

Sa pakikiisa ng mga opisyales ng Barangay, partikular ang aktwal na presensya ni Kapitan Melchor Cabatbat, natapos ang aktibidad bandang 4:00 ng hapon na sinimulan ng ika-2:00 ng hapon.

Samantala, tulad ng nakagawian, hindi nakakalimutang itanong ng mga Staff ng RNG kung ang mga residente doon ay nakikinig ba sa himpilang 105.3 fm. Sa sabay-sabay na sagot ng mga bata, tila magic word naman ang mga salitang “nakikinig po” sa balita, harana at ilocano te agsapa, para umpisahan ang pamamahagi.

Isinulat ni: 
Dada Ignacio