Lumalaban Para sa KATOTOHANAN; Sa KULUNGAN O LIBINGAN Ba ang Dapat Kalagyan?????

180px-Junlozada.jpg

HINDI lingid sa ating kaalaman ang isyu ng ZTE Broadband Deal Controversy na isiniwalat ni Rodolfo Noel Imperial Lozada, Jr., na mas kilala bilang Jun Lozada. Ito ay hinggil sa maanumalyang National Broadband Deal na umabot sa $329-million ang naging halaga ng nasabing kontrata. Ito ay kinasangkutan ng mga personalidad sa gobyerno kasama sina First Gentleman Jose Miguel Arroyo, asawa ng kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas na si Gloria Macapagal-Arroyo at dating Commission on Election (COMELEC) Chairman Benjamin Abalos.

Ngunit sa patuloy na paglaban para mailabas ang katotohanan sa naturang multi-milyong kasunduan, nasaan na ngayon ang “Star Witness” sa naturang isyu na si Jun Lozada? Ipiniit sa likod ng mga rehas na bakal. Ganito na nga ba talaga ang kinahahantungan ng mga naglalantad ng mga kabulukan sa sistema na umiiral sa kasalukuyan? Ang hustisya nga ba ay para lamang sa mga nasa katungkulan na pilit nagkukubli sa likod ng proteksyong dulot ng kanilang kapangyarihan?

Bakit nga ba ikinulong si Lozada? Bakit siya ang pinaparusahan gayong may ibang mga personalidad ang lalong higit na dapat na nasa kulungan? Paano mapapalabas ang totoong katotohanan kung sa simula pa lang ay ginagapos na sa rehas ang naglalakas ng loob na magsiwalat ng mga kaganapan na ang sambayanan ay walang kamuwang-muwang? Sino nga ba ang para kanino?

Natatandaan mo pa ba ang “Fertilizer Scam”, ang “Hello Garci Scandal”, ang “Extra-Judicial Killings”, at iba pang mga iskandalong kinasangkutan ng mga opisyales ng gobyerno na hanggang sa ngayon ang mga taong sangkot dito na dapat sana’y pinagdurusahan na ang mga nagawang kasalanan at pagtataksil sa tiwala ng bayan ay patuloy na tinatamasa ang kanilang ‘self-acclaimed’ na kalayaan?

Hindi lang sa National level nangyayari ang mga naturang anomalya at pagtatakip sa mga nagkasalang mga may posisyon sa pamahalaan kundi maging sa bawat lalawigan, bayan o maging sa bawat barangay man ng Pilipinas ay kakikitaan ng ganitong mga senaryo. Nariyang may mga proyektong ‘over-prized’. Ang iba nama’y nailabas at naubos na ang pondo sa kung ano pero pondo na dapat sana’y nagugol sa isang tiyak na proyekto ngunit hanggang sa ngayon ayun at nakabinbin pa ang paggagawa. May mga insidente din na nangyari ilang taon pa lang ang nakalilipas na may mga sangkot na masasabing ‘part asset’ sa isang malaking isyung pambayan ang namatay sa pagkakapiit sa bilangguan samantalang kung sino pa ‘yung nagkamal ng higit na kapakinabangan, ayun at mariwasang nakapapamuhay sa ibang bayan.

Ano na nga bang klase ng hustisya mayroon ang ating bansa at hinahayaan ang ganitong mga pangyayari? O may hustisya pa ba tayo talagang maituturing sa ating bansa?

Huwag nating hayaang manatili tayong mga Pilipino sa ganitong estado. May magagawa ang bawat isa sa atin para sa tunay na pagbabago. Huwag na lang nating hayaang tangayin tayo ng daluyong ng agos na manipulado ng umiiral na kabulukan sa gobyerno. Manindigan para sa “GOOD & CLEAN GOVERNANCE”!!!!! Makialam tayo dahil may pakialam tayo!!!! Huwag ipiring ang ating mga mata, huwag barahan ang ating mga tenga, huwag itikom ang ating mga bibig sa mga bagay na mali, masama at baluktot! Hindi tama na maging mga bilanggo at sunud-sunuran tayo sa sarili nating bayan ng mga damuhong isinasantabi ang kapakanan ng sambayanan at nagpapakasasa sa kaban ng bayan!

Isinulat ni: 
Angelica G. Dalusong

ganun talaga

ganyan din po ang nangyari kay mr RODELIO CABUYABAN ng brgy maturanoc,guimba,nueva ecija.
pinasimulan nya ang kampanya laban sa pagpapasa ng mga videoke bars sa guimba.Niasara itong lahat sa tulong ng mga religious leaders,pero nasan sya ngaun.
dahil sa mga death threats na tinatanggap nya at ng kanyang pamilya.TNT sila ngaun dito sa sarili nyang bayan.
bakit nga naman hindi...
nakakatakot at nakakainis mamuhay sa pilipinas konti nalang at ang national motto ng bansang ito ay..if you want to stay alive,you've got to be strong,here is the battle of the fittest.
Salamat po.
guimbaboy.

rodolfo lozada jr.

I feel pity for him, & at the same I blame the people of the phils. Sa una lang sila kumakampi sa kanya tapos ngayon parang nakalimutan na. Maganda sana ang nangyari dahil dito lumalabas ang mga "corrupt "sa ating gobyerno pero MONEY & POWER talks talaga pa rin ang nangingiral.

Is the Phils. a communist country na ba?

We don't have still FREEDOM OF SPEECH. God Bless him & God save our country .