Mga matatanda, isinabak sa Flores De Mayo ng Maturanoc

in
Flores De Mayo sa Maturanoc 050909 002.jpg

PINANGUNAHAN ng mga taga-Barangay Maturanoc, Guimba ang kanilang bersyion ng Flores De Mayo noong nakaraang Sabado, May 9, 2009 na kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay isinabak ang mga katandaan.

Pinaghandaan at ginastusan ang simpleng pagdiriwang na ito, na tradisyong minana pa sa ating mga ninuno.

Ang Flores de Mayo ay hango sa salitang Espanyol na “flores” para sa "bulaklak", na kilala rin bilang Bulaklak ng Mayo.

Ito ay isang Katolikong pagdiriwang na ginaganap sa Pilipinas tuwing buwan ng Mayo upang parangalan si Birheng Maria at ang Santa Cruzan o sagala ay isang parada na ginaganap sa huling araw ng Flores de Mayo bilang pagkilala kay Reyna Elena sa paghahanap nito ng Banal na Krus at ang kanyang anak na lalaki.

Buong Barangay ng Maturanoc ay nakisaya at sa pagkakataon ding ito nagkasama sa isang sagala ang mga bata hanggang sa mga matatanda na ang mga kasuotan ay pinasadya pang ipatahi ng kasalukuyang Hermana Mayor nito na si Gng. Leonora Cunningham na nakapangasawa ng isang Australiano, Sir Ian Cunningham.

Pagkatapos ng thanks giving mass ni Rev. Fr. Rene Mercader,MSC, na isinagawa sa mismong tahanan ng Hermana Mayor, masayang nilibot ng mga katandaan, kadalagahan at kabataan kasama ang kanilang mga eskorte ang buong barangay.

Pinangunahan ito ng mga barangay tanod na sinudan naman ng banda, cross at kandila, Reyna Banderada, Ave Marias, Sagalas, Reyna Delas Flores, float ng Fatima at mga anghel, prayer group, novena sponsors, family sponsors for the Holy Mass, BPC SWESY 2008-2009 sa pangunguna ni Kag. Digna Esquivel at ng sangguniang barangay sa pamumuno ni Kapitan Constante Baldo.

Reyna Delas Flores ngayong taon ang apo ni Cunningham na si Jasmine Rose Cunningham na inis-kortehan ng apo rin nilang si Josh Jarel Zarris.

Napagod ang lahat lalung-lalo na ang mga katandaan gaya na lamang ni Aling Teresita na nahirapan sa paglalakad
Sa ilang beses na pagdaraos nito sa Barangay, tila walang kupas at sawa rito ang naging organizer nito na si Laureta Tamayo mula pa nang ito’y magsimula noong 1983.

Aminado siya sa malaking pagbabago ng kanilang sagala buhat pa noon. Ipinapaabot nya ang pasasalamat sa naging Hermana Mayor ngayong taon, gayundin sa mga ka-Barangay, lkamag-anak, mga kaibigan at mga sponsors na tumulong sa paghahanda at pagsasaayos ng kanilang Flores De Mayo.

Isinulat ni: 
Jim Palma