Magnanakaw Naaktuhan sa ibabaw ng bubong ng isang puwesto sa loob ng palengke ng Guimba
HABANG nagpapatrolya sina G. Trio Romulo , Raman Calimba at Francisco Tabliga, mga guwardya sa Guimba Market, dakong 3 10 ng hapon, Hunyo 30, 2009 ay mamataan si G. Alfredo Libaran sa bubong ng puwseto ni Gng Elsa Digap Baricuatro, 42 at residente ng Brgy Bacayao, bayan ng Guimba.
Matatandaan na noong Hunyo 22, 2009 ay nanakawan na ang pwesto ni Gng. Baricuatro ng humigit kumulang P3,000.00 kasabay ng puwesto ni G. Alex Claveria na natangayan naman ng mga panindang cellphone accessories na nagkakhalaga ng humigit kumulang P5,000.00
Suspetsa ng awtoridad, sinusubukan ulit nakawan ng suspek ang pwesto ni Baricuatro. Tinitignan ng mga kapulisan kung iisang tao lang ang gumagawa ng pagnanakaw sa loob ng palengke.
Ang suspek ay ikinulong na sa detention cell ng PNP Guimba at sasampahan ito ng kasong pagnanakaw.