Planong pagpapatayo ng pampublikong ospital sa Guimba, Patuloy na binubusisi ng SB
PATULOY na umiinit ang talakayan at usapan ng Sanggbuniang Bayan (SB) hinggil sa plano ni Mayor Boyito Dizon na pagpapatayo ng pampublikong ospital. Ipinatawag kahapon sa sesyon ng SB ang Municipal Budget, Accountant at Treasurer Oifficers upang alamin ang ilang bagay kaugnay sa usaping pananalapi.
Ayon kay Budget Officer Resty Cabato, kayang mag-loan ng Munisipyo ng P24M para sa construction ng ospital at sa loob umano ng 5-7 taon ang pagbabayad nito.
Isa-isang nagbigay namn ng katanungan ang SB. Una ay si Konsehal Ari Fabros. Gaano umano kalaki ang kailangan para sa paglalagyan ng mga medical equipment dahil karamihan naman umano sa mga dumating na equipment mula sa donasyon sa ibang bansa ay consumable. Kinakailangan malaman at makita ang plano at pagkakagastusan ng hindi birong halaga, dagdag pa ni Fabros.
Ayon naman kay Konsehal Enchie Esquivel, ang dati o lumang Munisipyo ay proposed infirmary. Giit nito, upang makatipid ay baka maaaring sa lumang Munisipyo na lang ilagak ang mga medical equipment. Paalala pa nito na ibigay muna sa RHU ang mga gamot para magamit bago mag-expire.
Tanong naman ni ABC Pres. Leonardo Garcia, kung sakaling maipatayo nga ang ospital, kakayanin ba umano ng Munisipyong na i-handle at patakbuhin ito. Katanungan din ito ni Konsehal Lino Padre Jr. at dagdag niya dito ay kung kaya bang i-accommodate ang lahat ng gastusin mula sa pagpapagawa hanggang sa maintenance ng ospital. Gayundin sa usapin ng pagpapasahod ng mga empleyado sa ipatatayong ospital.
Hindi rin pinaligtas na busisiin ng SB kung sino ang taong nakapirma sa deed of donation. Tanong nila sa sarili ay kung mayroong sa kanila na nakakakilala kay G. Carlos Baltazar na siyang signatory sa deed of donation bilang representative. Ano umano ang katungkulan meron ito para mag-witness sa isang pirmahan ng pagbibigay ng donasyon. Isa pa umano ay wala kopya ang SB ng certificate of acceptance ng mga naturang medical equipment.
Samantala, sinamantala naman ni Kosehal Gary Mangalino ang pagkakataon upang itanong kay Municipal Tresurer Aguida Santos ang tungkol sa computerization na pinalaanan din ng milyun-milyong pondo ngunit tila umano hindi nagagamit sa tamang paraan.
Hindi naman makapagbigay ng kasagutan dito si Gng. Santos. Hindi umano nito magarantiyahan na ginagamit nga ang mga computer sa mga Departamento ng Munisipyo.
Reaksyon ni Konsehal Mangalino, kaya pinaglaanan ng pondo ang computerization ay upang mapabilis ang gawain at up-dating ng mga dokumento at papeles, ngunit hindi ito nagagamit na tila nasayang ang loan para dito.
Pampublikong Ospital ng Guimba
Your article did not mention the type of medical equipment that were donated. I am interested to know if these medical equipment are new or used? Will it serve the purpose? Is this what is most needed? How about maintenance? Do we have medical person or technician who knows how to operate these medical equipment?
Pampublikong Ospital sa Guimba
I am a concerned citizen and I would like to share with you my thoughts on this article.
I agree that a public hospital will benefit the poor and the medically needy. It is a fact that health care is expensive and that most can not afford to pay for their medical bills. I think that the concerns expressed by the SB members are all valid and I concur with all of them.
Building a hospital to house donated medical equipments should not be the primary reason for building a hospital. I agree that there is a need for access to medical care but were other options considered? Was there a feasibility study? Is there a master plan? What is your vision of the new hospital?
The planning involved in building a new hospital is a daunting task. It needs careful analysis and perspective of common sense. Hospitals are not built overnight. This requires a master plan and long range-planning, especially when considering funding resources. How much will it cost? Where will the money come from? Will it be viable? What about the infra-structure? sustainability? actual resources? These are important considerations to take into account in the planning phase.
I think the SB is on the right track-this kind of project warrants close scrutiny, especially when it involves borrowing millions of pesos.