Operation Damayan: Gamit Eskwela Alay sa mga Bata ng Talugtug.. Tagumpay
Mula sa loob ng bayan ng Guimba ay lumabas naman ang Radyo Natin Guimba (RNG) upang magsagawa ng Operation Damayan: Gamit Eskwela Alay sa mga Bata noong Biyernes, Hulyo 3, 2009, ng hapon sa bayan naman ng Talugtug. Kasama ng buong pwersa ng Radyo Natin Guimba si Jolibee na tinungo ang naturang bayan upang sa gayon ay makapaghatidng tuwa sa mga bata.
Tumanggap ang mga estudyante ng Sto Domingo at ng Tibag mula grade 1-4 ng tig-2 notebooks, pad paper, tig-isang krayola, lapis at ballpen. Gayon din ang natanggap ng mga batang estudyante ng Barangay Mayamot. Sa kabuuan ay umabot sa humigit kumulang 200 mag aaral ang nabiyayaan ng RNG ng gamit-eskwela sa bayan ng Talugtug
Nag-iwan di ng magandang alaala si Jolibee sa mga bata dahil humataw ito sa pagsayaw at nakipagkulitan sa mga tsikiting na halos hindi na mag-paawat sa pagpapa-picture sa kanya.
Pinasasalamatan ng RNG ang lahat ng tumulong at nagdonate sa Operation Damayan: Gamit-Eskwela Alay sa mga Bata 2009.