Galvan Elementary School Nilooban Mga appliances sa opisina Natangay
NILOOBAN kanginang umaga ang paaralan ng Galvan Elementary sa Guimba ng mga hindi pa nakikilalang suspek.
Batay sa impormasyon nakalap ng yunit pambalita ng Radyo Natin Guimba (RNG). napag-alamang pinasok ng mga hindi nakilalang mga kawatan ang Office of the Principal, na kung saan ay natangay ang isang Philips Colored TV, DVD player at 2 Stand Fan na nagkakahalaga lahat sa humigit-kumulang sa P12,900.00.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, isang Imelda Villanueva ang nakapansin na bukas ang pintuan ng Principal’s Office dakong 5:45 ng umaga. Agad itong tumawag ng isang tanod upang patignan ang loob ng opisina. Noon nadiskubre na nalimas ang mga gamit sa tanggpan.
Batay sa imbestigasyon ng mga pulis, ang mga suspek ay dumaan sa main gate ng paaralan dahil natagpuan malapit sa gate ang cable connector ng nawawalang TV.
Patuloy sa pagiimbestiga ang kapulisan sa pangunguna ni SPO3 Amorsolo Grospe upang mapanagot sa batas ang may kagagawan sa naturang pagnanakaw