Manuel Dino Adatan Kinasuhan na sa Droga
Submitted by onin on Thu, 10/08/2009 - 20:25.
Written by:
RNG FM News/OKTUBRE 8, 2009Program:
Kinasuhan na ng illegal possession of illegal drugs, paraphernalia at paggamit ng droga si Manuel Dino Adatan y’ Econar matapos mahuli sa isinagawang raid ng kapulisan ng PNP Guimba kamakalawa ng gabi sa tahanan nito sa Sta Veronica, Guimba
Nitong Myerkules, dakong 12:00 ng tanghali ay isinampa ang nasabing kaso ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 laban kay Adatan.
Sinabi ng mga awtoridad na hindi naman maaring kasuhan ng illegal na pagbebenta ang suspek dahil hindi ito naaktuhan sa isinagawang raid.
Ang kaso ni Adatan ay hawak na ng Office of the Provincial Fiscal sa Lungsod ng Cabanatuan at diringgin sa Regional Trial Court ng Guimba.