SK sa Guimba na hindi nakasama sa Boracay Magbabayad na ng utang Matapos mag-iba ng pahayag

Written by: 
RNG FM News/OKTUBRE 12, 2009
Program: 

Apat sa anim na Barangay Sangguniang Kabataan President (SK) sa Guimba ang dumalo kahapon sa ipinatawag na paghaharap ng Sangguniang Bayan upang linawin ang hinggil sa hindi nila pagbabayad sa ipina-reserve na hotel accommodation para sa kanilang Lakbay Aral sa Boracay noon Abril ng taong kasalukuyan.

Tatlo sa miyembro ng Sangguniang Bayan (SB) ang dumating, sina Konsehal Jun Lacson, Konsehal Gary Mangalino at Konsehala Athena Gragasin, ang SK Federation President.

Sa pag-uusap nitong Lingo, sinabi nina SK Alvin Bernal ng Sta Lucia, Annaliza Rigor ng Tampac 1, Frederick Alejandro ng Macapabellag, Dindo Quijano ng Sta Ana na nagpareserve sila para sa Boracay. Pumayag na rin silang bayaran ang sinisingil sa kanila.

Ang sinabi ng 4 ay sinigundahan ni SK Federation Acting Secretary Kervin Mauricio ng Sto. Cristo na umanoy nagpa-book ang 6 na SK.

Ganunpaman, matatandaang nitong nakalipas na sesyon ng SB, sinabi ng 3 SK mula sa Sta Lucia, macapabenlag at Tampac 1, na hindi sila nagpareserve para sa hotel accomodation. Bago ang Lakbay Aral ay ipinaalam nila na hindi sila sasama. Ngunit kahapon ay biglang nagbago ang kanilang statement at ngayon ay inamin na nagpareserve sila.

Samantala, hanggang sa buwang ng Disyembre ang palugit na ibinigay sa mga SK para makabayad sa utang nila na tig- P6,000.00.

Maliwanag pa sa buwan ang anumalya!

Tanong lang po pede po bang gumawa nang committe for public hearing tungkol sa kaso na to? maliwanag pa sa buwan na may anumalyang nangyayari sa usaping ito hindi naman po illeterate ang mga tao ng guimba para mapaniwala nyong ok na ang lahat matapos umamin ang mga bata. di po ba tayo marunung mahiya pera po ng taong bayan ang ginamit sa lakbay aral na yan "may natutunan ba naman ang mga dumalo o natutulo lang silang mangurakot?" sa murang edad natututo lang ang mga bata para mangurakot kitang kita po sa usaping ito na may iisang panig na nakinabang sa lakay aral kuno. ATTENTION: sa lahat po ng kinatawan ng sangguniang bayan aksyonan nyo naman po ang usapin ito wag po kayong makuntento sa pag amin ng mga bata meron pa pong kailangang malaman ang taong bayan hindi ko po tatantanan ang usapin ito patuloy po akong mangangalampag sa inyo para aksyonan nyo ito HOY GISING!