Machine Shredder ng ENRO-Guimba Ninakaw

Written by: 
RNG FM News/OKTUBRE 22, 2009
Program: 

KINUMPIRMA ng Environment and Natural Resources Office (ENRO) sa Guimba na ninakaw ang kanilang machine shredder na nakalagak sa Material Recovery Facility (MRF) sa Barangay Banitan.

Sa impormasyong nakalap sa opisina ng ENRO, ilang araw pa lamang ang nakalipas ng mangyari ang naturang pagnanakaw.

Gayunman, hindi makapagbibigay ng eksaktong detalye ang ilang kawani sa naturang tanggapan sapagkat si G. Phillip Lapada, pinuno ng ENRO, ang nakakaalam umano ng buong pangyayari.

Samantala, nabanggit na mayroon ng suspek at kilala na kung sino ang posibleng nagnakaw at kunmuha ng machine shredder. Ang naturang shredder ay kanilang ginagamit sa pagggiling ng basura na ginagawang organic fertilizer.