Shuttle bus ng Munisipyo Babawiin sa sandaling hindi mahulugan ang mahigit 1 taong utang
NAGTUNGO noong Lunes ang kinatwan ng Land Bank Leasing Corporation sa Sangguniang Bayan (SB) ng Guimba upang ipabatid ang status ng pagbabayad sa shuttle bus at alamin kung kailan ito mahuhulugan ng Munisipyo.
Nabatid mula kay G. Fidelito Magno, representative ng Land Bank Leasing Corporation na nakabase sa Lungsod ng Makat,i na noong taong 2008 hanggang sa kasalukuyan ay hindi nakpagbayad ang lokal na pamahalan ng Guimba sa taunang obligasyon nito para sa nasabing sasakyan. Kaakibat nito ay posible umanong ilitin nila ang nasabing shutle bus.
Ayon pa kay G. Magno, mula ng mapunta sa Guimba ang shuttle bus ay hindi na ito nahulugan sa kanila. Dati umanong pag-aari ng Kapitolyo ang shutle bus at unang nahulugan ito noong taong 2007. Limang unit ang shutle bus na ini-utang ng Kapitolyo sa Land Bank Leasing Corporation noong 2007 at napunta umano sa Guimba ang isa kaya ang Munipsyo na ang magpapatuloy sa paghuhulog.
Ayon pa sa kinatawan ng Land Bank, wala sa kontrata ang naturang paglilipat ng shuttle bus, ganunpaman, lumiham umano sa kanila ang Munisipyo ng Guimba kung saan ay nakasaad ang pag-ako sa pagbabayad ng sasakyan.
Reaksyon dito ni Konsehal Ari Fabros, napakalaki ng babayaran. Aabot umano sa P900,000.00 ang principal na utang at nasa P370,000.00 na ang interest ng babayaran. bago sana umano tinanggap ang obligasyon, dapat ay kumuha muna ng authority sa Sanggunian para sa appropriation.
Samantala , sa panayam kahapon ng umaga kay Municipal Administrator Humberto Mendoza, sinabi nito na may nakalaang budget para sa pagbabayad ng shuttle bus. Hinihintay lamang ang pag-apruba ng SB.
Kinumpirma naman ni SB Sec. Joel Enriquez ang pahayag ni G. Mendoza. Wala umanong problema sa alokasyon dahil nakapag-appropriate mula sa supplemental budget ng halagang P589, 487.20, ngunit dahil may ilang klaripikasyon pa ang Sanggunian kaya hindi pa nakakapaghulog sa nasabing pagkaka-utang.