Boto Mo Boto Ko Makabayang Pulitiko - Last Day
OKTUBRE 30, 2009 ng gabi, umuulan…Tuloy ang consierto ng RNG at bago maghating gabi, umakyat na sa stage ang bandang "Last Day". Kahit pumapatak at basa na ang mga instrumento, narinig ang tinig ng grupo. Unang inawit ang Boto Mo Boto Ko Makabayang Pulitiko.
Sa 7 local rock band na lumahok sa consierto, ang Last Day at isa pang banda (The Entity) ang nakapag-lapat ng tunog sa Boto Mo Boto Ko chanting ng RNG.
Bilang pasasalamat at pagkilala sa talento ng 2 banda at pagsusulong ng kampanya para sa makabuluhang halalan sa Mayo 2010, minabuti na irecord ng malinis ang kanilang komposisyon.
Disyembre 13, 2009, bago mag 4:00 ng hapon, dumating ang Last Day sa RNG. Sila ang umang sasalang, bakas ang excitement sa gagawin. Bandang ika- 9:00 ng gabi tinapos ang recording, bagamat anila ay may nais pa silang ayusin sa materyales.
Ngunit mas excited yata ang RNG dahil kinabukasan ng umaga, Disyembre 14, 2009 ay pinatugtog na sa Radyo ang resulta ng recording, sa okasyon ng paglulunsad ng “ Forum on AES: Boto Bigyan ng Dangal”.
Magmula noon ay lagi ng pinapatugtog sa RNG ang awitn sa pag-asang maging bukang bibig ang himig nito sa Mayo 2010.
Binubuo ang banda ng 4 na kabataan. Si Mikko Malungkot sa drums, Christopher Ramirez sa rhythm/lead guitar, Jun Ramirez sa base guitar at Patrick Villanueva sa vocals.
Susunod, “Boto Mo Boto Ko” bersyon naman ng bandang “The Entity”.
