15 baril nasabat sa checkpoint

Written by: 
Victor Martin/ENERO 11, 2010
Program: 

Labing-limang mga matataas na kalibre ng baril ang nasabat ng pulisya ka­makalawa ng gabi sa kaha­baan ng national highway sa Nueva Ecija kung saan ini­latag ang checkpoint sa may Central Luzon State University sa Science City of Munoz.

Ayon kay P/Senior Supt. Ricardo Marquez, Nueva Ecija police provincial director, nadiskubre ang 15 piraso ng pinakamodelong uri ng Ar­malite rifles sa isang Toyota Revo (SBS 504) na pag-aari ng lokal na pamaha­laan na pinamumunuan ni Santiago City-Isabela Mayor Amelita Navarro.

“We can’t believe that such volumes of guns of such caliber can be shipped just like that without proper coordination. It made us suspicious and we did what we were supposed to do, especially now that we have an incoming gun ban,” pahayag ng isang opis­yal ng pulisya.

Subalit ayon naman kay Navarro, ang mga armas ay nabili ng legal at may mga kaukulang papeles at ito ay gagamitin ng kapuli­san sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin. Matapos beripika­hin ay agad din na pinaya­gang ibi­yahe nang may pape­les ang mga armas.