SB Guimba Dadalo sa Philippine Councilor's League na gaganapin sa General Santos City P21,800.00 gagastusin ng bawat isa
DADALO ang mga miembro ng Sangguniang Bayan ng Guimba kasama ang kanilang kalihim at si Vice Mayor Ler De Guzman sa Philippine Councilor League na gaganapin sa General Santos City sa Pebrero 4-6 ng taong kasalukuyan.
Ayon kay Konsehal Lino Padre jr., ang nasabing pagtitipon ay bahagi ng kanilang patuloy na pag-aaral sa pagsasagawa ng batas bilang miembro ng SB. Tinatayang nasa P21,800.00 ang magagastos ng bawat isa, kaya nasa P239,800.00 ang magiging budget ng nasabing seminar.
Sa pagtitilad, gagastos ang bawat isa ng P9.000 sa rehistrasyon, hotel accommodation, tour, bayad sa mga speaker at pagkain sa loob ng 3 araw. Nagkakahalaga naman sa P12,000.00 ang back & fort air transportation at P800.00 ang pamasahe naman papunta sa Manila at pauwi sa Guimba.
Sa unang araw ng pagtitipon, mula 6:00 hanggang 10:00 ng umaga ang kanilang pagpaparihistro. Sa hapon ay welcome address ng Mayor ng General Santos City at sa gabi ay may lecture tungkol sa automated election.
Sa pangalawang araw ay tour mula sa umaga hanggang tanghali, sa hapon ay lecture hinngil sa continuing legislative education program at sa gabi ay bibisita si Gibbo Teodoro.
Sa panghuling araw ay kanya-kanyang pasyal na at ang balik sa Guimba ay sa Pebrero 7 na.
Samantala, nabatid mula kay Konsehal Padre na hindi na sila tatanggap ng P800.00 allowance kada araw na dati ay mayroon.