Motorsiklo ni DJ Ace Ninakaw sa loob ng kanilang compound

Written by: 
RNG FM News/PEBRERO 8, 2010
Program: 

NINAKAWAN ng sasakyan si Jun Ace Ramos, tinanghal na Phlippine’s Best DJ ngayong 2010 ng Urban Awards, sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Sta. Veronica, bayan ng Guimba, kanginang madaling araw.

Ayon sa ulat, ipinarada ni Ace ang kanyang Motorsiklo na may plakang HM 3690, kulay gray, sa loob ng kanilang compound, kasama ng iba pa nilang sasakyan. Hindi nito inaashan na mawawala ang motorsilo dahil nakaparada ito sa loob ng kanilang compound.

Hinala ng pamilya ni G. Ramos, ninakaw ang motorsiklo sa kalagitnaan ng kanilang mahimbing na tulog sa pagitan ng 1:00 hangang 2:00 ng madaling araw. Nailabas ang nasabing sasakyan kahit nakakandado ang gate ng kanilang compund. Suspetsa nila, pinagkakalas ang mga bahagi ng motorsiklo upang madali itong mai-akyat sa bakuran.

Samantala, napansin ng kasambahay nila Ace na bandang hapon, bago nawala ang motorsiklo ay may nagmamanman nasa kanilang tahanan.