Doc Manny Galapon Mas Matalino sa paggawa ng feasibility study ng isang ospital– Konsehal JR Padre

Written by: 
RNG FM News/PEBRERO 16, 2010
Program: 

Mas matalino umano si Doc Manny Galapon.

Ito ang binanggit ni Konsehal Lino Padre Jr, kanginang umaga sa programang Guimba Ngayon kung saan ay tinalakay ang nakaraang public hearing tungkol sa planong pagpapatayo ng community hospital.

Sa gitna ng talakayan, inilutang muli ang mga argumento ng mga nagsipagdalo sa nabanggit na hearing. Isa na rito ang hinggil sa feasibility study ng nais na itayong ospital ng pamahalaang bayan ng Guimba.

Hindi naiwasan ni Konsehal Padre na mag-reacts ng muling sariwain ang naging komentaryo noon ni Dr. Saming Galapon, tumatakbong konsehal sa ilalim ng Unang Sigaw Partido ng Pagbabago. Ani ng Doktor, noon pa man ay plano nya ring magpatayo ng ospital at umaabot na sa taon ang ginagawa nitong feasibility study. Kaya kinukuwestyon nito ang maikling panahong ginuguol ni Dr. Manny Galapon sa paggawa ng feasibility study para sa community hospital na tumagal lamang ng 4 buwan.

Reaksyon dito ni Konsehal Padre, "Mas matalino si Doc Manny, mas mabilis gumawa" at aniya pa, iba ang sitwasyon kung pribadong ospital ang ipapatayo.

Samantala, sa Pebrero 22 ng taong kasalukyan, ganap na ika- 1:00 ng hapon ay magpapatawag muli ng public hearing na gaganapin sa Guimba Auditorium ang Sangguniang Bayan ng Guimba hinggil sa planong pagtatayo ng community hospital. Ang lahat ay inaanyayahang dumalo