Jimmy Valdez a.k.a. "Lupin" Nasakote sa hi-way ng Caingin Tabing Ilog matapos mang hold-up
ARESTADO ang isang nagngangalang Jimmy Valdez Y' Avila alyas “Lupin”, 18, residente ng Barangay Poblacion Sur, Licab, matapos mang hold-up kamakalawa.
Sa isinagawang counter riding in tandem at dragnet operation ng 1st Maneuver Platoon ng PPSMC sa pangunguna ni SPO3 Lauro AD Puno at Licab Police Station sa pangunguna naman ni SPO2 Jesus Amurao, nasakote si Lupin sa Provincial Road na nasasakupan ng Caingin, Tabing Ilog, boundery ng Licab at Guimba.
Nakuha sa posesyon nito ang isang kalibre 5.56 homemade pistol at 2 bala, isang fragmentation grenade at isang Nokia cellphone model 5310.
Sa ulat, nagsuplong sa kapulisan si Binibining Gemma Ferrer y Tordil, 27 at residente rin ng Poblacion Sur, Licab ang ginawang panghohold-up sa kanya ni Lupin kasama ng iba pang holdaper noong Pebrero 15, 2010. Natangay sa binibini ang isang nokia 5310 cellphone at perang anim na libong piso.
Tumakas ang mga suspeck patungo sa Tarlac ngunit bigong maka takas si Lupin ng makoner ito ng mga humabol na kapulisan.
Una ng nahuli ang binata sa kasong Robbery na isinampa sa RTC Branch 33, dito sa baya ng Guimba subalit nakapagpyansa ito para sa pansamantalang kalayaan.