Presidente ng Mormon Nagreklamo sa ilang beses na nakawan sa kanilang simbahan

Written by: 
RNG FM News/PEBRERO 25, 2010
Program: 

KAMAKALAWA, nagtungo sa himpilan ng pulis si G. Angel Agliam y Domingo, 70, residente sa Barangay San Roque at Presidente ng Mormons Church sa bayan ng Guimba para ipabatid ang naganap na pagnanakaw sa kanilang simbahan.

Sa salaysay ni Lolo Anghel, ganap na 6:00 ng umaga noong Martes, Pebrero 23, 2010 nang napag-alaman niyang pinasok ng magnanakaw ang kanilang simbahan na matatagpuan sa Saranay matapos mapansin ana nawala ang bronze decorated tiles, hagdan na yari sa bakal na nakakabit sa balong imbakan ng tubig at gripo.

Nabatid din sa Lolo na maraming beses na silang nanakawan sa kanilang simbahan. Noong una’y nilimas ng magnanakaw ang kanilang electric fan, aircon unit, computer, makinilya.

Hindi umano sila nagreklamo nuong una subalit ngayong ay ibig na nilang ipagbigay-alam din sa radyo ang pangyayari.