Pangulong GMA Dinalaw ang proyektong patubig sa Barangay Bunol

Written by: 
RNG FM News/MARSO 2, 2010
Program: 

MAG-AALAS kwatro ng hapon na ng makarating sa bayan ng Guimba ang Pangulong Gloria Macapagal Arroyo nitong Lunes dahil galing pa ito sa Baguio, kung saan ay panauhin siya ng mga mag-aaral na magtatapos sa Philippine Military Academy

Bale wala sa mga taga Guimba ang init, upang masilayan lamang ang Pangulo. Ang iba ay alas 2:00 pa lang ng hapon ay nakaabang na sa pagdating ng Pangulo.

Ngiti ang sinalubong ng Pangulo sa mahigit 1,000 katao na sumalubong nang ito ay dumating sa Barangay Bunol para tignan ang isa sa proyekto ng NIA na siyang ginagamit ngayon ng mga magsasaka sa pagpapatubig sa mga sakahan.

Pagbaba ng Pangulo mula sa sasakyan ay dinumog ito ng ibang media. Unang tinungo nito ang patubig bago ito nagsalita.

Kasamang dumalaw ng Pangulo si Secretary Arthur Yap at Governor Aurelio Umali

Kasamang sumalubong naman mula sa Guimba sina Atty. Virgilio Fabros ng Unang Sigaw Partido Pagbabago kasama sina Vice Mayor Ler de Guzman, dating Bokal Danny Rondon, Dr. Saming Galapon at Punong Barangay Celo De Vera ng Sto. Cristo. Naroon din si Mayor Boyito Dizon.

Samantala, Wala pang isang oras ay umalis ang Pangulo, pati ang mga sumalubong ay nagsi-alisan na din.