Blessing ng mga proyekto sa Yuson Idinaos
Submitted by onin on Wed, 03/03/2010 - 20:10.
Written by:
RNG FM News/MARSO 3, 2010Program:
GINANAP ang isang blessing sa mga bagong naipatayong mga proyekto sa Barangay Yuson, bayan ng Guimba na sinimulan kaninang 10:00 ng umaga.
Sa pakikipanayam kay Kapitan Carlito Castro at Barangay Secretary Lucio Mina, biniyayaan umano sila ng Day Care Center galing kay Congressman Edno Joson, Barangay Hall, 1 unit ng School Building, 7 poso, konkretong kalsada na may sukat na 800 metro na nanggaling naman sa mga Grupo ng Kalayaan Barangay Programa ng mga Sundalo.
Panauhin nila ay sina Board Member Cesar Cucio, Mayor Boyito Dizon, ABC President Endong Garcia, DILG-Guimba at ang kinatawan ni Congressman Edno na si Rey Joson.
Pagkatapos ng blessing ay nagkaroon ng kaunting salu-salo.