Mga gurong myembro ng BEI Nag-trainig kay acting Comelec Officer Manuel Tambalque
KAHAPON, alas 8:30 ng umaga, sa West Central School ay inumpisahan ni G. Manuel Tambalque, Acting Commelc Officer ang pagsasanay sa paggamit ng PCOS Machine ng mga gurong magiging myembro ng BEI o Board of Election Inspector sa darating May 2010 election.
Katulong ni G. Tambalque, sa pagbibigay ng kaalaman si G. John De le Cruz, DEpED Supervisor.
Bumibilang sa 206 ang dumalong Poll Chairman at Clerk sa nasabing pagsasanay maliban sa iba pang guro na naroon.
Ayon kay Ginoong Dela Cruz, kung lumagpas man ng bahagya ang pag-marka sa hugis bilog na katapat ng mga kandidato sa balota ay ayos lang basta’t hindi ito dumikit sa mga katabing bilog.
Matapos ang pagtalakay sa paggamit ng PCOS machine ay nagkaroon ng ilang katanungan.
Ilan sa mga tinanong ay kung ilan ang dapat na botante sa isang presinto. Sagot naman ni G. Tambalque, “as long as ma accommodate ng kwarto”.
Samantala, magkakaroon ng Examination hinggil sa pinag-aralan nito ang mga BEI. Gaganapin ito sa Central Luzon State University.
Nakatadang mag exam ang mga BEI ng West District sa Marso 9 ng taong kasalukuyan at ang East District ay sa Marso 10.