Paalisin ang Fermina Bus Hamon ng transport sector sa lokal na pamahalaan ng Guimba.
SA talakayan sa programang Sino Ba Siya: Peace to Peace ng Radyo Natin- Guimba kahapon, nabigyan ng pagkakataong isiwalat ng Tarlac- Guimba Transport Cooperative at Makabayan Jeepney Operator- Drivers Association sa kanilang hinaing at kahilingan sa mga kasalukuyang nanunungkulan at kandidato sa darating na eleksyon.
Sa pamamagitan ng mga lider ng pinagsanib na pwersa ng sector ng transportasyon ay walang preno nilang tinuligsa ang ilegal na operasyon ng Fermina Bus Incorporated sa Guimba na pinapayagan umano ng lokal na pamahalaan na hindi makatarungan sa kanilang panig.
Mula sa verification na nagmula sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Quezon City ay napag-alaman ng grupo na walang prangkisa ang Fermina Bus para magsagawa ng operasyon sa Guimba. Sa verification, nakasaad na Dagupan City to Manila via San Carlos ang itinalagang ruta para sa operation ng Fermina kaya lumilitaw na out of line ang nasabing bus.
Walang saysay umano ang Resolution Number 69-09 ng SB na aprubado ng buong SB at ni Mayor Dizon noon pang Agosto 12, 2009 . Sinasaad sa naturang resolusyon na pinapawalang bisa ang Resolution Number 34-09 na nagbibigay ng permiso sa Fermina Bus Incorporated na pumarada at kumuha ng pasaheros sa Municipal Plaza ngunit patuloy pa ring nag-ooperate at nang-aagaw ng sakay sa mga jeep ang naturang bus dahil lumipat lang ito ng paradahan sa Sea Oil.
Dagdag pa ng grupo, sa pakikipag-ugnayan nila sa PNP Guimba ay nakumpirma nilang wala pang go signal o order na nagmumula sa Munisipyo para paalisin ang Fermina Bus.
Kaya panawagan nila sa mga kasalukuyang nanunugkulan at kandidato sa darating na halalan na naghahangad ng kanilang boto, ipatupad ang itinatakda ng batas.
ANG BAWAL AY BAWAL, ANG BATAS AY BATAS, ANG MALI AY MALI!
Napakahirap bang intindihin na ang batas ay batas, at dapat sundin. Kung walang prangkisa, walang karapatan na mag-operate ang nasabing Bus. Ito ay ilegal na operasyon. Ito ay bawal. Ang mali ay mali! Bakit hindi tayo marunong sumunod sa mga regulasyon at mga batas? Bakit? Nakakahiya naman!
may prangkisa
may prangkisa ang FERMINA sa ibang linya. oo nandun na ako. out of line sila. pero siguro naman may pending application ang mga yan para maka operate ng tama sa Guimba at ng di kayo nag PUPUPUTAK na mga jeepney operators at drivers. ang BALIWAG TRANSIT na mismong competitor ng FERMINA nga eh hindi nagrereklamo dahil alam nila na choice ng pasahero na mga taga Guimba ang mamili ng sasakyan. mag isip isip ka naman. sige mag jeep ka hanggang CUBAO. sumakay ka sa mga bulok na JEEP at XLT na sinasadyang tumakbo ng 20-30 kilometers per hour makakuha lamang ng pasahero. nag aral ka ba ng basic or intro to political science? i know may LAW. but people is above the LAW. kung ano ang gusto ng mas nakakarami, yun ang LAW... so pagbibigyan ang FERMINA dahil ito ang gusto ng mas nakakarami... isip isip pare. hindi lang ikaw ang taga GUIMBA...
mga utak talangka
ang mga driver nga naman na ito. sariling kapakanan pa rin ang iniisip. ang FERMINA sa Guimba ay senyales ng pag asenso ng bayan ng Guimba. hindi po ba nila naiisip ang ginhawa at kahalagahan ng Fermina sa mga taga Guimba kagaya namin na mga madalas lumuluwas ng Maynila? ang mga jeep ba na ito ay kaya kaming ihatid sa Cubao or Pasay? mga utak talangka at puro sarili lamang ang iniisip. Ginagamit nilang panakot sa mga pulitiko ang darating na eleksyon. Pabayaan nyo na po ang grupo na yan. Ilang boto lamang ang mga yan. Mas maraming magagalit sa inyo na nagbebenepisyo sa operasyon ng Fermina Bus. mas maraming natutulungan sa maginhawang pagbyahe ng Fermina. ang mga bulok na jeep na ito ay wala ng magawa kundi mam bwisit na lang ng kapwa tao. tulungan natin na makakuha ng tamang papeles ang Fermina, habang kulang pa, pwede namang i allow as long as nakakabuti sa mas nakakarami. nagbabayad naman ng kaukulang TAX ang Fermina. wag na tayong magpaligoy ligoy pa. walang masama sa operasyon ng Fermina dahil sa mas nakakatulong ito sa mga byahero ng Guimba. wag na wag po kayong pa blackmail sa mga iilang grupo lang na ang sarili ang iniisip at ipinangtatakot ang suporta sa darating na eleksyon. iilang boto lang yan. maraming mas dapat intindihin kaysa ang mga walang kabagay bagay na usapin ng mga taong UTAK TALANGKA.