Brown out sa Guimba at karatig-bayan Epekto ng power crisis
Submitted by onin on Tue, 03/09/2010 - 23:20.
Written by:
RNG FM News/MARSO 9, 2010Program:
EPEKTO ng power crisis ang naranasang brown out kahapon sa bayan ng Guimba. Ito ang nabatid sa tanggapan ng NEECO II nang makapanayam kahapon si G. Ricky Roxas, district officer ng NEECO II.
Aniya, hindi lang ang Guimba ang nawalan ng kuryente. Pati na ang bayan ng Quezon, Munos, San Jose, Aliaga, Caranglan at Cabanatuan.
Salaysay pa ni G. Roxas, dapat ay noong Biernes pa magkakaron ng brown out ngunit naki-usap ito na kapistahan sa bayan ng Guimba ng araw na iyon. Kaya ang nangyari ay kahapon naranasan ang pagkawala ng serbisyo sa kuryente na siyang nagyayari din sa ibang lugar dulot ng power crisis.
Gayunman, hindi nito matiyak kung sa panahon ng halalan ay may supply ng kuryente sa lalawigan.