Pista sa Sta. Veronica Pinaghahandaan
Submitted by onin on Thu, 03/11/2010 - 19:41.
Written by:
RNG FM News/MARSO 11, 2010Program:
Matapos ang Fiesta sa bayan, pinaghahandaan naman ng mga taga-Sta Veronica ang Fiesta sa kanilang Barangay
Kahapon ay naabutan ng yunit pambalita ng Radyo Natin Guimba na pinag-uusapan ng Sangguniang Barangay ng Sta. Veronica ang gaganaping kapistahan. Naroon si Kapitan Judy Dela Cruz, mga Kagawad, Barangay Secretary at iba pang mga tao na mag-oorganisa sa nasabing okasyon na itinakda sa Abril 19 hangagng 25.
Ilan sa mga napagkaisahang aktibidad ay ang pagpili ng Bb. Sta Veronica, Little Miss Sta. Veronica, Miss Gay, Battle of the Band, Barangay Night, Sangguniang Kabataan Night, Grand Parade at Awarding Night sa huling gabi ng kapistahan.