Fermina Bus pinahintulutan ng SB na makapag-operate ng 45 araw
PINAGTIBAY ng Sangguniang Bayan (SB) ng Guimba ngayong araw ng lunes ang SB Resolution Number 87-2010 , "Resolution granting 45 days extension to Fermina Bus Inc. to ply via Guimba to Cubao/Pasay and vise versa and further granting moratorium from Sangguniang Bayan Resolution Number 69-09 for the same commencing from April 6 - May 2010.
Muling makakapagbyahe ang nasabing Bus Company simula bukas habang hinihintay ang kanilang prangkisa.
Sa Seaoil Gas Station pa rin paparada ang Fermina at sa San Roque pa rin ang ruta nito patungong Manila. Bawal dumaan sa kabayanan at kung sakaling dumaan sa bayan ay agad na ipahihinto ang kanilang pamamasada.
Samantala iginiit ni Konsehal Gary Mangalino na dapat munang mapirmahan ang nasabing resolusyon bago payagang mag operate ang fermina bus bukas.
Noong nakaraang sesyon ng SB, Mrso 29, 2010 ay nailagay sa ikatlong pagbasa ang nasabing resolusyon. Ang mga pumabor dito ay sina Konsehal Jr Padre, Konsehal Jing Cabatbat, Konsehal Enchie Esquivel at Konsehal Jun Lacson. Hindi naman pumabor sina Konsehal Gary Mangalino, Konsehal Jeng Mateo at Konsehal Pedro Estabillo.
where is the progress of our community??
bakit wala na ata ang FERMINA BUS sa guimba???anu ba yan....!!! laking abala sa mga commuter na lumuwas,,.. laking perwisyo angh pagkawala ng FERMINA!! ibalik nyo ang byahe!!!! parte yan ng pagunlad ng isang pamayanan...kompetisyon na mabunga ang tawag jan