Mga tanggapan ng NEECO II Sarado ngayong araw ng Biernes.
SARADO ang mga tanggapan ng NEECO II ngayong araw ng Biernes, Hunyo 4, 2010. Walang opisina sa kadahilanang ang mga empleyado nito ay magkakaroon ng bonding session at seminar sa Baguio City mula ngayong araw hanggang bukas.
Sarado ang main office ng NEECO II sa Talavera, at sa mga sub station sa 10 bayan na kinabibilangan ng Guimba.
Ayonn kay Ricky Roxas, Area Supervisor sa NEECO 2 Guimba Station, maapektuhan ang mga consumer ng kuryente na pinutulan nila ng linya kahapon dahil sa Lunes na ang balik nila sa opisina. Nang tanungin ito kung magkaroon ng problema sa daloy ng kuryente habang sila ay wala sa opisina, aniya, may lineman na naiwan na siyang gagawa.
Samantala, inireport ng RNG ang madalas na power interruption sa bloke ng P Ramos St. Sto Cristo na kinaroroonan ng radyo. Halos linggu-lunggo ay nakakaranas ng brown out, kung hindi sa umaga ay sa gabi na oras ng pag-eere ng RNG habang sa kabayanan naman at sa iba pang lugar sa Guimba ay normal ang serbisyo ng kuryente. . Nangako naman ang NEECO 2 na magsasagawa ng imbestigasyon sa nasabing reklamo.