169 bata ng Partida 2 at Banitan Primary School Tuwang-tuwa sa ibinigay na Gamit-Eskwela

Written by: 
RNG FM News/HUNYO 24, 2010
Program: 

BUMIBILANG sa 87 bata mula pre-elem hanggang Grade 4 sa Partida 2 Primary School habang 82 bata naman sa Banitan Primary School ang tuwang-tuwang tumangap ng mga makukulay na school supplies kamakalawa ng hapon, Hunyo 22, 2010

Masaya rin ang iilang guro na inabutan doon ng RNG at mga Sponsorsa Partida 2 at Banitan.

Nagpapasalamat ang mga bata, mga guro, Punong Barangay Victor Guanzon at Konsehal Gary Mangalino ng Banitan sa lahat ng mga donors/sponsors, specially sa OLSHA Batch 82 at kay Ate Nila dela Cruz at sa anak nitong si joy na kasama rin sa pamamahagi.

Sa kabuuan, 1,248 na ang bilang ng mga batang mag-aaral sa 9 na pampublikong eskwelahan sa Guimba ang nabigyan ng libreng gamit eskwela.

Samantala, kumbinasyon ang sistema ng pagtuturo sa 2 paaralan. Si Mam Maria Theresa Pagaduan, nagtuturo sa Partida 2 ng Grade 3 at 4 ng sabayan sa iisang kuwarto habang si Mam Estelita Ventura ay sabayang nagtuturo rin ng grade 3 and 4 sa Banitan Primary School sa iisang silid na may bahagyang dibisyon.

Maging ang stage sa Banitan Primary School ay ginawang silid-aralan ng pre-elem. Niilagyan ng plywood para maipwesto ng 21bata.

Kapansin-pansin rin na ang mga lumang desk na gamit pa noong dekada 60 ang siyang ginagamit pa rin.

Iisa ang panawagan ng mga guro at barangay officials sa 2 primary school, madagdagan ng 2-3 classroom at maging ganap na mababang paaralan sa Barangay.

Ayon kay Punong Barangay Victor a“Nanot” Guanzon ng Banitan, matagal na silang nakapagsumite ng resolusyon para sa karagdagang classroom. Aaprubado na raw sa Sangguniang Panlalawigan at may ginawa na ring building proposal ang Provincial Engineering subalit hindi naman umano naaprubahan ng Punong Lalawigan.