2 miembro ng Guimba Police Station Pinarangalan bilang Outstanding Police Woman
DALAWANG kababaihang pulis na miembro ng Guimba Police Station ang kasamang naparangalan bilang Outstanding Police Woman sa lalawigan noong Hunyo 29, 2010. Ito ay sina sina PO3 Perla A. Exala at PO2 Jennifer Benitez.
Ang parangal ay iginawad ng Soroptomist Internatonal of Metro Cabanatuan Club no 170124 at ng Nueva Ecija Provincial Police Office. Ginanap ang nasabing parangal sa Plaza Leticia Maharlika Hi-way Cabanatuan City noong Martes ng ika-10:00 ng umaga.
Tumanggap din ng naturang parangal sina PO2 Melisa Eusebio ng San Jose Police Station, PO2 Jane T. Dela Cruz ng Cabanatuan City Police Station, PO2 Pamela Suba ng Cabiao Police Station, PO2 Marry Ann Salazar ng Gabaldon Police Station, PO2 Bernadette Guttieriz ng Jaen Police Station at PO1 Primanda Hierco ng Sto.Domingo Police Station.