Inaasahang unang sesyon ng SB sa pamumuno ni VM Bernardino Ipinagpaliban

Written by: 
RNG FM News/HULYO 5, 2010
Program: 

BAGAMATnasa korum ang Sangguniang Bayan ng Guimba dahil walang absent, wala namang nangyaring sesyon. Sa halip, nagkaroon lamang ng pag-uusap kaninang 9:00 ng umaga para itakda ang mga pag-uusapan nila sa susunod na lunes.

Sa unang sesyon nito ay tatalakayin nila ang mga internal rules ng Sanggunian at doon na rin itatakda ang araw ng sesyon. kasabay ng paghahalal ng pinuno ng mga komite.
.
Samantala, kapansin pansin na marami ang nanuod sa bintanang salamin ng silid ng SB kahit hindi nila naririnig ang pinag-uusapan.. Halos mapuno ang lobby ng Munisipyo sa mga taong dumalo sa inaasahang unang sesyon ng mga Konsehal sa ilalim ng pamumuno ni Vice Mayor Nestor Bernardino.