Martinez Robbery Group Timbog sa Checkpoint

Written by: 
RNG FM News/HULYO 19, 2010
Program: 

TIMBOG ang 3 notorious na miembro ng Martinez Robbery Group sa isinagawang checkpoint ng mga otoridad sa bayan ng Gen. Natividad, Nueva Ecija noong Hulyo 15, 2010.

Nakilala ang mga nahuling magnanakaw na sina Rolando Pelicer y' Hernandez, 43, may asawa, residente ng Barangay Talipapa, Cabanatuan City; Magno Mallari y' Ayson, 45, may asawa, residente ng Ibabao Bana, Cabanatuan City at Ramil Martinez y' Hilario, Lider ng grupo at residente pa rin ng Cabanatuan.

Ang checkpoint ay sinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Public Safety Company (PPSC), Gen.Natividad Police Station at Aliaga Police Station, sa pangunguna nina Poice Inspector Alexander Reyes, Platoon Leader ng 3rd Manuever Platoon, Police Chief Inspector Cirilo Bulseco Acosta, Chief Of Police ng Gen.Natividad at Police Senior Inspector Renato C. Morales, Chief Of Police ng Aliaga at sa gabay ni PSUPT Edgar Allan Okubo, Company Commander ng PPSC.

Ayon sa ulat, dakong 10;00 ng umaga noong Huwebes, kanilang namataan ang ang mga suspek sa Barangay Platero, Gen.Natividad na tila naghahanap at naghihintay ng mabibiktima. Agad na nagsagawa ng checkpoints ang otoridad para madiskaril ang anumang plano ng mga suspek. Naglagay ng checkpoint sa posibleng ruta ng mga suspek, partikular sa Barangay Belen ng nasabing Bayan kung saan naaresto ang grupo.

Nakuha kay Mallari ang isang caliber 38 revolver na walang serial number at motorsiklong Honda wave na may plate number 6739. Nahuli naman sina Pelicer at Martinez habang nakasakay sa isang Suzuki tricycle.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na si Mallari ay may warrant of arrest sa kasong illegal possessioin of firearm and ammunition na inissue ni Honorable Judge Analie C Aldea-Arocena ng MTCC Branch 1 San Jose City. Si Mallari ay una ng ahuli ng PPSC noong Setyembre 2, 2009 sa Sitio Tanibong, Barangay Abar 1st, San Jose City matapos mahulihan ng isang 9mm pistol, 1magazine at 2 live ammos.

Si Martinez naman ay may warrant of arrest sa kasong robbery with violence and intimidation of person noong Setyembre 9, 2009 na inissue ni Honorable Judge Nelson A. Tribiana ng RTC Branch 37, sa Baloc, Sto.Domingo.

Samantala ang motorsiklong nakuha kay Mallari ay napag-alamang isang nakaw at nakarehistro sa nagngangalang Mary Jane Singh y' Villena ng Angeles City, Pampanga.

Sa kasalukyan ay nasa kustodiya ng Natividad Police Station ang mga suspek at ililipat sa kulungan ng BJMP.