Anti- Illigal Drug Accomplishment ng PPPSC sa Guimba Pinarangalan
PINARANGALAN kahapon, Hulyo 19, 2010 ng Medalya ng Kasanayan ang Provincial Public Safety Command (PPSC) sa bayan ng Guimba dahil sa anti- illegal drug accomplishment nito.
Ang parangal ay iginawad sa Nueva Ecija Provincial Police Office sa Cabanatuan City. Naging panauhing pandangal sa pagpaparangal si Col. Vergelio Trinidad ng Phillipine Army mula sa Fort Magsaysay .
Isa sa matingkad na accomplishment ng PPSC ay ang pagkaka-aresto ng dalawang drug pusher sa Guimba na sina Archie Romingue at Roderick Galicia.
Partikular na nakatanggap ng medalya ay sina PSupt.Edgar Allan Okubo, PINSP Romeo Gamit, PINSP Damaso G. Feliciano, SPO3 Lauro Puno, PO1 Nick Deo Pastor, PO1 Leonides Dacayo, Po1 Rexie Magno, PO1 Sharlier Paulino, PO1 Jackieluo Baes, PO1 Gilbert Eser, PO1 Harold Corpuz, PO1 Jeffrey Gregorio at PO1 Jer Carlos.