Matandang Binata Nalason sa biniling isda

Written by: 
RNG FM News/HULYO 30, 2010
Program: 

Isang matandang binata na bumili ng isda sa palengke ng Guimba ang hindi sukat-akalain na hahantong sa ospital matapos kainin ang nasabing binili.

Nakilala ang matandang binata na si Noel Manuel y' Santiago, 39 at residente ng Barangay Pasong Inchik ang nagreport sa himpilan ng pulisya nitong umaga ng Hulyo 28 ng taong kasalukuyan upang ireklamo ang isang vendor sa wet market ng Guimba hinggil sa nabili isda na dahilam ng kanyang muntikang pagkalason.

Ayon sa reklamo sa PNP Guimba, noong Hulyo 27, ganap na 5:00 ng hapon ng bumili si Noel ng 2 kilong isdang dagat na nagkakahalaga lamang sa P50.00. Kanya itong prinito at matrapos ulamin sa hapunan ay nakaramdam ito ng pagkahilo, pagsususka at nagkaroon ng skin rashes. Agad itong nagpadala sa Guimba District Hospital kung saan siya nalapatan ng agarang lunas.