May ari ng side Car ng tricycle na natagpuan sa Barangay San Rafael, Guimba Pinatay sa Cabanatuan

Written by: 
RNG FM News/HULYO 30, 2010
Program: 

KAHAPON ng madaling araw, isang side car ng tricycle ang natagpuan abandonado sa Barangay San Rafael, Guimba, malapit sa Aloha Resort. Sa imbestigasyon ng PNP-Guimba, nabatid natin na ang motorsiklo ng naturang side car ay ninakaw kung saan ang may-ari nito ay natagpuan patay sa lungsod ng Cabanatuan.

Sa ulat na dumating sa Guimba Police Station galing ng Cabanatuan City Police Station, nakilala ang may ari ng naturang side car na si Rhenier Lopena y' Guinto, 36, may asawa, isang tricycle driver at residente ng Purok 2, Saint Nicolas Subdivision, Cabanatuan City. Umalis ito sa kanyang tahanan noong 6:00 ng gabi ng Hulyo 28 sakay ng kanyang tricycle na may itim na Kawasaki Bajaj motorcycle na wala pang plate number.

Bandang 10:00 ng gabi ay natagpuan ito na isa ng bangkay sa tabi ng kalsada sa Purrok 1 ng Barangay Bakero, Cabanatuan ni Anthony Lopez y' Bautista, 22, binata, driver at residente sa nasabing Barangay. Nakita sa katawan ng biktima ang tama ng baril sa dibdib. Nakita rin sa pinagtagpuan ang isang basyo ng bala ng kalibre 45 baril habang ang tricycle nito ay nawawala