222 mag-aaral sa Macatcatuit Elementary School, Nadagdag sa nagkamit ng libreng gamit-eskwela

Written by: 
RNG FM News/HUNYO 26, 2009
Program: 

SA patuloy na pamamahagi ng Radyo Natin Guimba (RNG) ng libreng mga school supplies sa mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan, muling nadagdagan ang bilang ng mga ito ng 222 mag-aaral.

Kahapon, Hunyo 25, 2009, sa Macatcatuit Elementary School, bawat bata ay nagkaroon ng mga gamit tulad ng 3 notebooks, may lapis, ballpen at pad ng papel.

Bukod pa ang 16 mag-aaral na masuwerteng nagkaroon ng espesyal na gamit tulad ng 6 na lunchbox, 6 na calculator at 4 na kapote matapos nilang mabunot ang mga ito.

May mga absent man ay ipinaubaya na rin natin sa head teacher ng nasabing paaralan ang pagbibigay ng gamit sa mga ito.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa may kabuuang 2,327 bilang na ng mga mag-aaral ang ating nahandugan ng libreng gamit-eskwela bilang bahagi pa rin ng proyekto ng RNG Operation Damayan: Gamit-Eskwela Alay sa mga Bata ngayong 2009.

Samantala, pinuntahan ng RNG ang ilan sa 45 bata na iniulat na may lagnat, ubo at sipon Siyam na mag-aaral sa grade-2, 12 sa grade-3, 5 sa grade-4, 7 sa grade-5 at 12 rin sa grade-6.

Kasama ng RNG si Head Teacher Reggie Ramirez, Kapitan CarlitoPascua at si Dr.Felix Lumang na nag-check-up sa 3 myembro ng pamilya Ramos habang 3 naman sa pamilya Martin na may mga lagnat. Magkalapit lang ang tahanan ng mga Ramos at Martin.

Dahil dito naitakda ng RNG at CBHP ngayong araw ng Biernes sa Macatcatuit ang pagtuturo ng paggagawa ng lagundi syrup sa ilang pamilyang may mga sakit bilang alternatibong gamot sa ubo at lagnat

Reply

CAPTCHA
This question is for testing whether you are a human visitor and to prevent automated spam submissions.
4 + 8 =
Solve this simple math problem and enter the result. E.g. for 1+3, enter 4.