2 lasing na Kabataan Nagtangkang pumasok sa nakasarang establisyemento Huli sa akto
DALAWANG lasing na kabataan ang nagtanggakang buksan ang rolled-up ng Cairo Building sa Sta Veronica, bayan ng Guimba ang naaktohan ng sekyo dakong 11:45 nitong Huwebes ng gabi.
Batay sa ulat na ibinukas sa atin ni PNP Guimba Duty Desk Officer SPO3 Jose Macky Macaso, ang 2 kabataan ay nakilalang sina Ricardo Santiago, 20 at Jamier Ongsingco, 24, kapwa residente sa nabanggit na barangay.
Nang sinusubukan umanong buksan ng 2 ang rolled-up ng naturang establisyemento ay naaktohan ito ni G. Jayson Ulip, security guard na nakaduty ng gabing iyon.
Agad nitong dinala ang 2 kabataan sa himpilan ng pulisya upang pa-imbistigahan. Nakulong ang dalawang suspek ngunit kinabukasan, bandang 7:00 ng umaga ay kinuha ni G. Wilfredo Figuracion, hepe ng Tanod ng Brgy. Sta Veronica ang pag-kostudiya..
Nabatid mula sa mga opisyal ng Pamhalaang Barangay ng Sta Veronica na sadyang matigas ang ulo ng dalawang kabataan. Anila, laging nasasangkot ang mga ito sa iba't-ibang kaguluhan. Gayunman, sa huli ay ibinigay pa rin sa mga magulang ang pagbibigay leksyon sa 2 kabataan.