PAG-IBIG, PAGMAMAHAL at PAGGILING

061109guimbawestdistrict_gamit_eskwela 037.jpg

MARUNONG ka bang gumiling? Opo, yung sayaw na "giling-giling". Takaw-pansin ang sayaw na ito eh. Sa anumang istilo gawin, mapapako ang mata ng mga nanonood, lalut na't kung gigiling ka sa awitng "Pag-ibig, Pagmamahal" ng ASIN.

Atensyon po Mayor Boyito Dizon, Vice Mayor Ler de Guzman, Dr. Felix Lumang at Col. Virgilio Fabros! Sa lahat ng sumuporta, sa lokal at abroad. Pati na ang mga visitor sa site. Panoorin po ang gilingan at iba pa, sa matagumpay na paglulunsad ng Operation Damayan: Gamit Eskwela Alay sa mga Bata 2009.

"Pag-ibig, Pagmamahal" at paggiling, nakaka-aliw awitin at isayaw!. Nakakaalis ng pagod, tensyon at alalahanin. Nakakagaan ng pakiramdam sa ilang sandali ! Bakit di natin gawin palagi?...Tunay na mai-aalay!

Paki-click lang po ang link ng video sa dulong ibaba.

.

"Pag-ibig,Pagmamahal"

"Kailan nabubuo ang awit ng puso,
Kailan gumaganda ang paligid sa mundo.
Kailan lumiliwanag ang tingin sa dilim..

Di ba't kapag umiibig ka rin…

Kailan makislap ang mga bituin sa langit,
Kailan masarap ang hanging umiihip.
Kailan magaan ang nararamdaman..

Di ba't kapag ikay nagmamahal…

Pag-ibig, Pag-ibig, Pagmamahal
Ito’y biyaya ng Diyos.. na maykapal..

Pag-ibig, Pag-ibig, Pagmamahal
Ito ang tunay na mai-aalay….

Kailan mapayapa dito sa daigdig,
Kailan maibabalik ang bansang tahimik.
Kailan mawawala ang lahat ng ganid...

Di ba’t pag mayroong pag-ibig..

Kailan matatapos ang sapalaran,
Kailan mararating ang kalangitan.
Kailan mararanasan ang walang hanggan,
Kapag may tunay kang pagmamahal…

Pag-ibig, Pag-ibig, Pagmamahal
Ito’y biyaya ng Diyos… na maykapal..

Pag-ibig, Pag-ibig, Pagmamahal
Ito ang tunay na mai-aalay…."

Reply

CAPTCHA
This question is for testing whether you are a human visitor and to prevent automated spam submissions.
4 + 14 =
Solve this simple math problem and enter the result. E.g. for 1+3, enter 4.