Sana’y Mayaman

in
Becky Demetillo Abraham on vocals & Karina Constantino David on guitars.jpg

Tanong ng anak inay mayaman ba tayo?
Sagot ng ina hindi anak ko di tayo mayaman
Panay kayod sa trabaho
Kahit na ganoon mababa lang ang sweldo.

Bakit ba anak gusto mo bang yumaman?
Opo inay para marami akong laruan
Ngunit anak ko, ako muna’y pakinggan
Sasabihin ko sa’yo ang aking dahilan.

Sa ating mundo’y maraming lamangan
Pagkat tao’y swapang at gusting yumamam
‘di na bale ang iba lunod sa kahirapan
basta’t makuha lang ang pansariling kabutihan.

Kung ang tao’y sampu at ang pera’y sampu lamang
At tig iisa ang mga mamamayan
Sa ganitong sitwasyon walang kahirapan
Sa ganitong sitwasyon wala ring mayaman.

Ngunit kapag ang isa’y kumuha ng lima
Anong naiiwan sa siyam na natira?
Paghahati-hatian ng naiwang pera
Ang siyam ay mahirap iisa ang may kaya.

Anak kong giliw ating pag-isipan
Kung tama nga bang magkaroon ng mayaman
Kung ang kayamana’y iba ang pagkukunan
Ang hindi makakuha kawawa naman.

Dapat sana ditto sa ating bayan
Pantay-pantay lahat ng mga mamamayan
Walang naghihirap at palamon lamang
Walang nagdurusa at walang na-iisahan.

Ito’y panaginip na sana’y makamtan
Musmos mong isip sana’y maintindihan
Opo Inay ngayon ko lang nalaman
Hindi na po ako maghahangad yumaman.

Dapat sana ditto sa ating bayan
Pantay-pantay ang lahat ng mga mamamayan
Walang naghahari at walang mayayaman
Walang naghihirap at walang kaapihan.

(Inang Laya: A female duo composed of Becky Demetillo Abraham on vocals and Karina Constantino David on guitars. They usually perform progressive and feminist songs.)

Isinulat ni: 
Inang Laya

Reply

CAPTCHA
This question is for testing whether you are a human visitor and to prevent automated spam submissions.
9 + 9 =
Solve this simple math problem and enter the result. E.g. for 1+3, enter 4.