SK Federation President Inakong babayaran ang P36K Habang P12K na utang pa Hindi malaman kung sino ang sisingilin
BAGAMAT inako na ni Sangguniang Kabataan Federation President Konsehala Athena Gragasin ang pagbabayad sa P36,000.00 na utang matapos ang huling pag-uusap sa pagitan ng 6 na Barangay SK at ni Gng. Marijoe Dee ng Marco Polo Travel Agency, lumalabas na meron pa rin itong balanse.
Kahapon sa sesyon ng Sangguniang Bayan ay muling dumalo si Ginang Dee, upang malinawan kung sino ang magbabayad sa natitirang balanse ng SK dulot ng Lakbay-Aral sa Boracay noong nakarang buwan ng Abril ng taong kasalukuyan. Lumalabas kasi na kahit nakapangako na ang 6 na Barangay SK President na magbabayad hanggang sa katapusan ng Disiyembre ng halaga ng P47,000.00 at si Athena ay magbabayad naman umano ng halagang P36,000.00, hindi naman malaman kung sino o kanino pa kukunin ang natitirang P12,000.00 mula sa kabuuang P95,000.00 na utang.
Ayon kay Gng. Dee, ang batang Konsehala ang maaring magbigay ng dokumento para matukoy kung sino ang magbabayad sa utang pa na P12K.
Ganunpaman, ang ibabayad di-umano ni Athena ay magmumula sa ilo-loan nito kung saka-sakali.
Samantala, hindi dumalo sa sesyon si Athena kahapon kaya hindi parin malinaw ang tungkol sa isyung ito.