KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PAGPUPULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG GUIMBA, NUEVA ECIJA, NOONG IKA-19 ng OKTUBRE, 2009

100509SB session 010.jpg

KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PAGPUPULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG GUIMBA, NUEVA ECIJA, NOONG IKA-19 ng OKTUBRE, 2009 NA GINANAP SA BULWAGANG PULUNGAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG GUIMBA, NUEVA ECIJA.

MGA DUMALO:
KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Vice Mayor and Presiding Officer
KGG. GAVINO M. LACSON, JR. - SB Kagawad
KGG. EDGARDO P. MANGALINO - SB Kagawad
KGG. PEDRO M. ESTABILLO - SB Kagawad
KGG. PEDRO G. CABATBAT - SB Kagawad
KGG. LINO G. PADRE JR. - SB Kagawad
KGG. MELCHOR L. ESQUIVEL - SB Kagawad

MGA DI DUMALO:
KGG. ARI VERGIL P. FABROS - SB Kagawad
KGG. ERWIN J. MATEO - SB Kagawad
KGG. LEONARDO DC. GARCIA - ABC President
KGG. ATHENA ROXANNE A. GRAGASIN - SK Fed. President

_________________________________________________________________________________________
A.PAGBUBUKAS NG PULONG: - KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN/Presiding Officer

Binuksan ang pulong sa ganap na ika-9:05 ng umaga.
_________________________________________________________________________________________
B.PANALANGIN:

Ang mensahe at panalangin ay pinangunahan ni Pastor EMMANUEL SIBUG at Pastor RIC QUESADA.
_________________________________________________________________________________________
C.PAMBANSANG AWIT:

Ang pambansang awit ay pinangunahan ni Gng. GEMMA DC. BAUTISTA.
_________________________________________________________________________________________
D.PAGTIYAK SA MGA DUMALO:

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Kgg. Na Presiding Officer, ngayong ika-19 ng Oktubre 2009, anim (6) po sa ating mga kagalang-galang ang narito sa ating bulwagan, apat (4) po ang wala, at ayon po sa ating patakaran, tayo po ay may sapat na bilang upang ang pagpupulong ay magpatuloy. Tayo po’y dadako na sa pagpapatibay sa nakaraang katitikan.
_________________________________________________________________________________________
E.PAGPAPATIBAY SA NAKARAANG KATITIKAN:

KGG. LINO G. PADRE JR. - Mr. Chairman

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Kgg. Padre

KGG. LINO G. PADRE JR. - Sa atin pong katitikan sa pang-apat na pahina sa may gawing ibaba inaatasan ang Punong Bayan, mahirap atasan ang punong bayan pakipalitan ng Punong Barangay.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Paki-correct yan Mr. Secretary

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Opo

KGG. LINO G. PADRE JR. - Ito po ay isang pagtatanong lamang ito pong pagsusumite ng mga concered citizen ng Bantug, dapat bang nakalagay sa minutes?

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Kgg. Padre, noon pong niliwanag ko kung ang panibagong isinumiting habla ay ilalagay sa calendar of business, suspended po ang rules kaya hindi po natin itinala sang-ayon sa ating patakarang panloob.

KGG. LINO G. PADRE JR. - Hindi na daw itutuloy ang habla.

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Ayon p okay Gng. Bernabe ay hindi na daw po itutuloy yung habla na nahuling isinumite.

KGG. EDGARDO P. MANGALINO - Mr. Chairman

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Kgg. Mangalino

KGG. EDGARDO P. MANGALINO - Nais ko pong liwanagin na ang kanilang isinumite ay hindi po sinumpaang reklamo, po sinumpaang salaysay, definitely wala po silang habla hanggang ngayon.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Put on the record Mr. Secretary.

KGG. LINO G. PADRE JR. - Yamang wala nang puna sa ating katitikan, iminumungkahi ko na ito’y atin nang pagtibayin

KGG. PEDRO P. ESTABILLO - Pinapangalawahan ko po

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Sa mungkahi ni Kgg. Padre at pinangalawahan ni Kgg. Estabillo ay atin na pong pinagtitibay ang nakaraang katitikan
_____________________________________________________________________________________________
F.MALAYANG TALAKAYAN/ORAS NG PAGTATANONG:

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Tayo po’y dadako na sa Malayang Talakayan at Oras ng Pagtatanong.

KGG. MELCHOR L. ESQUIVEL - Mr. Chairman

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Kgg. Esquivel

KGG. MELCHOR L. ESQUIVEL - Gusto ko lang pong banggitin ang tungkol sa nakaraang kalamidad at nagpapasalamat po tayo at hindi tayo gaanong nasalanta ito po’y hinggil sa 5% calamity fund na kung susumahin sa ating pantaunang IRA ay lumalabas na 7.215 Million at tayo po’y naglaan ng Supplemental Budget na 15 Million, nais ko lang pong hilingin sa Municipal Disaster Coordinatig Council upang malaman kung magkano na ang nagugol sa nakaraang kalamidad pondong sa pondong nabanggit. May natira pa ba para sa darating pang bagyong “Ramil”, at mga bagyo pang darating? Yan lang po Mr. Chairman.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Mr. Secretary maari bang padalahan ng sipi ang Municipal Accountant, hinihingan na magbigay ng monthly disbursement report sa Calamity Fund, baka maaring dumalo sa next meeting.

KGG. LINO G. PADRE JR. - Ito po’y madalas ko na rin pong nababanggit na magkaroon ng petty cash kahit sa maliliit na halaga lang, karanasan ko po kasi maging ng mga maliliit na mga empleyado dito sa munisipyo na hindi ma-encash ang mga halagang nagastos sa pagtupad sa tungkulin dahil nga kung maliit na halaga lang ay hindi machekehan paaabutin pa ng P5000 para chekehan. Pinapaalalahanan din po ang committee on finance hindi po ito nabibigyan ng pansin na ang problema ng mga maliliit na kawani ay hindi nababayaran lalo na ang mga TEV na maliliit lang naman buti pa ang mga malalaki nababayaran, dapat lang maglaan ng sapat na pondo ang ating ingat-yaman.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Pakipadalhan ng liham si treasurer at accountant pag gumawa ng imbitasyon pakilagay ang purpose.

KGG. EDGARDO P. MANGALINO - Hinggil sa mga kasong hindi pa natatapos gusto ko lang pong tanungin ang ating SB Secretary, matutuloy pa ba ang hearing ng Guiset at Triala baka po kasi tayo ay lumalagpas na sa 90 day period ng imbestigasyon baka tayo ay matechnical?

KGG. LINO G. PADRE JR. - Bago po sagutin ni SB Secretary dagdag ko lang po sa sinabi ni Kgg. Mangalino, nagkaroon po kasi kami ng seminar sa Cebu kaya po hindi nagawan ng schedule.

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Nagka-usap na po kami ng mga Kagawad ng Guiset at kinuwenta namin at kami ay nag-arrive na sa November pa po ang ika-90 days, sa Triala po tayo ay may allowance pa dahil mas huli po siyang naihabla ditto sa SB.

KGG. EDGARDO P. MANGALINO - Yung Guiset po ay sa aking pagkakaalam ay natapos na ang pagdinig.

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Itatanong ko po sa Chairman ng Committee on Rules kung kailan puwedeng i-set ang pagdinig.

KG. ROSELLER T. DE GUZMAN - May nais pa po bang magsalita? Kung wala na po tayo ay dadako na tayo sa susunod na paksa.
______________________________________________________________________________________
G. MGA PAKSA SA UNANG PAGBASA:

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - 1) An ordinance Adopting Administrative Disciplinary Rules of Procedures to Elective Barangay Officials in the Municipaliy of Guimba --- Proponents SBM Lino G. Padre, Jr. at ABC Pres. Leonardo DC. Garcia

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Atin pong ipapasa ang nasabing ordinance sa Chairman ng Rules Kgg. Padre and Brgy. Affairs Kgg. Garcia

SB. SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - 2) Resolution obligating all barangays to have their Disaster Brigade to be designated in the Occurrence of Calamities and Disasters --- Proponent SBM Gavino M. Lacson Jr.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Atin pong ipapasa ang nasabing resolution sa Chairman ng Environment Kgg. Lacson

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - 3) Approval of Barangay Ordinances nos. 1, 2, 3 and 4 of Brgy. Galvan.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Atin pong ipapasa ang nasabing ordinance 1,2,3 and 4 ng Brgy. Galvan sa Committee on Rules Kgg. Padre

SB SEC JOEL P. ENRIQUEZ - 4) Resolution for rehabilation and re-structuring of
farmers in their agricultural crops affected by Typhoons Ondoy and Pepeng,ang proponent po ay SBM Gavino M. Lacson, Jr.

KGG. ROSELLER DE GUZMAN - Atin pong ipapasa ang nasabing resolution sa Chairman ng Agricultural Kgg. Pedro Estabillo.

SB SEC JOEL P. ENRIQUEZ - 5) Resolution for immediate Rehabilation of Bridges in Barangay St. John to St. Lucia,Balbalino to San Marcelino and Macamias to Calem. SBM Gavino m. Lacson, Jr.

KGG. ROSELLER DE GUZMAN - Atin pang ipapasa ang nasabing resolution sa Chairman ng infrastructure. SBM JENG MATEO

SB SEC JOEL P. ENRIQUEZ - 6) Kapasyahan para sa pakikipagtulungan sa paglilinis ng mga nakabarang basura sa mga Drainage Canal na dulot ng mga nakaraang bagyo sa bayang Guimba. Ang proponent po ay si SBM Gavino M. Lacson, Jr.

KGG. ROSELLER DE GUZMAN - Atin pong ipapasa sa Chairman ng envinroment Kgg. Gavino M. Lacson, Jr.

SB SEC JOEL P. ENRIQUEZ - 7) Resoolution Requesting the DENR to Allocate Fruit Bearing trees seedlings to ENRO – GUIMBA for the protection of the envinroment . SBM GL

KGG. ROSELLER DE GUZMAN - Atin ipapasa ang resolution sa Chairman ng Envinroment SBM Gavino M. Lacson, Jr.

SB SEC JOEL P. ENRIQUEZ - 8) Resolution for Information Campaign in Guimba for Re-Cycling of Garbage into Organic Fertilizer SBM Gavino M. Lacson, Jr.

KGG. ROSELLER DE GUZMAN - Atin pong ipapasa ang resolution sa chairman ng envinroment SBM Gavino M. Lacson, Jr.
_________________________________________________________________________________________
H. PAG-UULAT NG MGA KUMITE:

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Tayo’y dadako na sa pag-uulat ng mga kumite

KGG. LINO G. PADRE JR. - 1) Hinggil po sa mga ordinansa na isinumite ng Brgy. Tampac II & III ito’y may kahalintulad na sa ibang barangay at may karampatang multa kaya hinihiling ko na ilagay sa pangalawang pagbasa
2) Ang Kautusan bilang 2 ng Barangay Tampac 2 & 3 ay atin munang ipagpaliban dahil ito po ay may kinalaman sa pinansyal at Business, iminumungkahi ko na ito ay ipagpaliban muna.
3) Ang Kautusan Blg. 3 ng nasabing Barangay na may kinalaman sa Kapayapaan at Kaayusan na lahat ng below 18 yrs old na gumagala pa sa ika-10 ng gabi hanggang alas 4:00 ng medaling araw ay hulihin, ito’y mapagtibay na rin at marapat lamang na ilagay sa pangalawang pagbasa
4) Kautusan sa Tamang Pagtatapon ng Basura, may penalty din poi to kung kaya’t hinihiling ko na ilagay na sa pangalawang pagbasa

KGG. PEDRO ESTABILLO - Ito po’y hinggil sa kahilingan ni Gng. Theresa Cerna na ma-reclasiffy ang kanyang lupa, at ayon po sa naging pag-aaral ng kumite ay kumpleto naman ang kanyang mga papeles para sa nabanggit na lupa na matatagpuan sa Tampac-Banitan Boundary, kung kaya,t ito’y iminumungkahi ko na mailagay na sa pangalawang pagbasa.

KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Ang akin pong committee report ay hinggil sa mga SK at Gng. Marijo Dee tungkol sa unclaimed airfare and hotel accommodations ng mga SK.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Bago natin pagsalitain si Kgg. Lacson ay ating pagtibayin na ilagay na sa pangalawang pagbasa ang dalawang paksa kanina.

KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Narito po ang aming Committee Report: The Committee on Finance conducted a meeting on October 11, 2009 at the SB Hall, at about 2:00 PM with claimant Mari-jo S. Dee and SK Presidents in Various Barangays indicated in the Letter-Complaint the said claimant filed several weeks ago.

Present in the meeting were the Chairman of said Committee, SBM Gavino M. Lacson, Jr. an Honorary member SBM Edgardo P. Mangalino, our Secretary Mr. Enriquez, SK President Athena Roxanne Gragasin with the SK Presidents of Barangay Tampac I, Macapalellag, Sta. Ana, and Sto. Cristo. Two Punong Barangays were also Present, PB Boy Alvin Libunao representing his SK President, and PB Santiago of Macapabellag.

Absent in the meeting were the SK Presidents of Partida I and San Roque.

The meeting resulted in the compromise agreements between both parties in the condition that the claimant, Mrs. Dee furnished them documents to support their vouchers for the justification of liquidating their funding for the payments of their respective obligations to the claimant.

The Punong Barangay of Partida I sent text message that he will likewise pay for the obligation incurred by his SK President provided that the conditions above cited shall be done also for the liquidation of the fund they will allocate for the claim.

The Committee on Finance will see to it that said claim will be resolved and will result in a very positive manner.

PREPARED BY:

SBM GAVINO M. LACSON, JR.
Committee Chairman

KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Dito pos a aking ine-report ay dadagdagan na lang ni Ms. Marijo Dee ang report paki suspend na lang po ang Rules Mr. Chairman.

KGG. LINO G. PADRE JR. - I move for the suspension of the Rules.

RULE SUSPEND --- 10:25AM

Sa kasalukuyan po ay nagsasalita si Gng. Marijo Dee

RESUMPTION OF THE RULE --- 10:35AM

KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Ang isa pa po ay ang kahilingan ng ating Hepe Col. Renato David, P5,000.00 per operation para sa Anti-Drug Campaign, may nakalaan na pong pondong P50,000.00 para dito at anytime pwede na silang mag request, at isa pa po nawawala din ang ating Shreder machine sa banitan, wala din po sa ngayon ang ating ENRO officer Philip Lapada ,at naantala po ang ating paggawa ng organic fertilizer.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Meron po bang nais magsalita?

_________________________________________________________________________________________
I. MGA DI NATAPOS NA GAWAIN:

WALA PONG NAKATALA
_________________________________________________________________________________________
J. PAHATID LIHAM:

WALA PONG NAKATALA
_________________________________________________________________________________________
K. URGENT MEASURE:

1. Resolution approving a counter part fund support of the municipality of Guimba for Mrs. Editha Garcia For her training at UP Manila. (Binasa ang Liham Mula sa DOH na kalakip ng Draft Resolution)

KGG. LINO G. PADRE JR. - Paki-ulit ang petsa, July 15, 2009 to January 15 2010 ibig sabihin matagal nap ala sa training yang humihingi ng Financial assistance pondo namam ng mayor yun bakit di natin pagbigyan.

KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Tungkol po sa Urgent Measure, iminumungkahi ko po na pagtibayin na at bigyan ng counter part support si Ms. Editha Garcia.

KGG. LINO G. PADRE JR. - Pinapangalawahan ko po.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Sa mungkahi ni Kgg. Lacson na pinangalawahan ni Kgg. Padre na parehong Junior, ay atin nang pinagtitibay ang Resolution approving a counter part fund support of the municipality of Guimba for Mrs. Editha Garcia For her training at UP Manila. Magkano ba ang ilalagay natin? Paki basa nga Mr. Secretary ang halaga?

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - P84,000.00 po.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Pakilagay na rin sa resolution na P84,000.00 ang ilalaan bilang counterpart aid support.
_________________________________________________________________________________________
L. MGA PAKSA SA IKALAWANG PAGBASA:

1) Resolution for approval of Annual Investment Plan for 2010 of the Municipality of Guimba Nueva Ecija.

KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Bago po pagtibayin, alam po natin na bawat SB mmbers ay binigyan ng kopya at pag aralan muna sa bahay bago po pagtibayin, ang nais ko pong itanong sa mga kasama kung may puna.

KGG. LINO G. PADRE JR. - Sa aking pagkaalam 2/3 po ng SB ang kailangan upang pagtibayin dahil ito po’y Financial matters.

KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Iminumungkahi ko po na Ipagpaliban na po muna ang numbers 1&2 para sa mususing pag-aaral muna.

KGG. LINO G. PADRE JR. - Pinapangalawahan ko po.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Put that in writing Mr. Secretary, Ipagpaliban muna ang usapin tungkol sa AIP at LDIP para sa masusing pag-aaral pa.

3) Kapasyahang naglalayong maglagay ng Billboard ng Schedule ng Paghahakot ng Basura para sa apat (4) na distrito ng Bayang Guimba.

KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Sa dahilang ang ating Secretary ay nagseminar sa Cebu, hindi po natin naipacomputer, bibigyan po sana ng kopya ang bawat isa, pero babasahin ko na lang po.
-Sapagkat ang mga lugar na pinanggagalingan ng basura ay mga tahanan, gilid ng daan at iba pang mga lugar.
-Sapagkat ang mga mamamayan ay hindi alam ang araw ng paghakot ng basura.
-Sapagkat napahalaga ng pagsinop ng mga basura o maitapon sa dapat na pagtapunan.
-Dahil dito kinakailangan ang billboard para maisulat ang schedule ng paghakot ng basura, kung kaya iminumungkahi ko na mailagay na sa Pangatlong pagbasa.

KGG. PEDRO M. ESTABILLO - Pinapangalawahan ko po.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Sa mungkahi ni Kgg. Lacson at pinangalawahan ni Kgg. Estabillo ay atin ng pinagtitibay na mailagay ang Kapasyahang Naglalayong Maglagay ng Billboard ng Schedule ng Paghahakot ng Basura para sa apat (4) na Distrito ng Bayang Guimba para sa pangatlong pagbasa.

4) Kapasyahang naglalayong ihiwalay ang nabubulok at di-nabubulok na basura ng mga market stall owner sa pamilihang bayan --- Proponent SBM GAVINO M. LACSON JR.

SAPAGKAT ang mga may-ari ng market stalls sa palengke ay may mga naiipong basura

SAPAGKAT ang mga nangungolekta ng basura ay kailangan na ihiwalay ang mga nabubulok at di-nabubulok na basura para sa mabilisang pagsisinop ng mga ito

DAHIL DITO ang mga market stall owners ay maki-pagtulungan para sa paghihiwalay ng nabubulok at di-nabubulok na basura para sa kalinisan at kaayusan ng bayan, iminumungkahi ko na mailagay sa pangatlong pagbasa.

KGG. PEDRO M. ESTABILLO - Pinapangalawahan ko po.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Sa mungkahi ni Kgg. Lacson at pinangalawahan ni Kgg. Estabillo ay atin ng pinagtitibay na mailagay na sa pangatlong pagbasa ang Kapasyahang ito.

4) Kapasyahang naglalayong gawin nang Isang Pambayang Tanggapan ang MENRO at tuluyang ihiwalay na sa Municipal Agriculture Office. Proponent SBM GAVINO M. LACSON JR.

SAPAGKAT ang pamabansang kagawaran ng Environment at Natural Resources ay nakahiwalay sa kagawaran ng pagsasaka.

SAPAGKAT ang mga Pambayan Tanggapan, ang MENRO ay nasa ilalim ng Kagawarang Pagsasaka

SAPAGKAT kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa Gawain ng DENR sa mga bayan, nararapat lamang na ihiwalay ang MENRO sa Department of Agriculture.

SAPAGKAT ang mga problema tungkol sa environment, ecology collusion at iba pang proyekto na may kaugnayan sa environment ay binabalikat lahat ng Department of Agriculture sa bayan.

SA DAHILANG ITO, ay hindi mabibigyan ng sapat na atensiyon o panahon sa proyektong pang-agriculture kung kaya’t ang paghiwalay sa MENRO ay marapat lamang na ilagay na sa pangatlong pagbasa.

KGG. LINO G. PADRE JR. - Hindi ko po sinasalungat ang nasabing kapasyahan subalit nararapt lamang kinakailangang makipag-ugnayan muna sa Budget Officer at P.O. bago natin pagtibayin. Baka po pwedeng saliksikin at siyasatin muna natin kung nararapat po ban a ito ay paghiwalayin dahil ito po ay creation of position.

KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Tama po na maka-usap muna ang Budget Officer, may kaunting kalabuan kasi sa budget tungkol dito , paki-imbita rin ang Budget Officer sa next session

KGG. EDGARDO P. MANGALINO - Karagdagan lang po, dapat lang dumaan sa dliberasyon kung ito nga ay ihihiwalay na, dapat magpaliwanag din ang ENRO sa Seven (7) Milllion na Shreder Machine sa Banitan.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Atin pongiimbitahan ang Budget Officer at ENRO
________________________________________________________________________________________
M. MGA PAKSA SA IKATLONG PAGBASA:

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - 1) SB RESOLUTION No. 80-09 Resolution Requiring All Public and Private Educatioal Institution to Sing Guimba Hymn in Their Flag Raising Ceremonies.

KGG. LINO G. PADRE JR. - Iminumungkahi ko na atin ng pagtibayin

KGG. PEDRO M. ESTABILLO - Pinangangalawahan ko po.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Sa mungkahi ni Kgg. Padre at pinangalawahan ni Kgg. Estabillo ang SB RESOLUTION No. 80-09 Resolution Requiring All Public and Private Educatioal Institution to Sing Guimba Hymn in Their Flag Raising Ceremonies ay atin ng pinagtitibay

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - 2) SB RESOLUTION No. 81-09------- Administrative 06-09 Arceli Cinense et al versus Cruzaldo Rombaoa et al, for Abuse of Authority, Oppression, and Neglect of Duty.

KGG. LINO G. PADRE JR. - Iminumungkahi ko po na ang Administrative Case 06-09 ay atin ng pagtibayin.

KGG. MELCHOR L. ESQUIVEL - Pinapangalawahan ko po

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Sa mungkahi ni Kgg. Padre at pinangalawahan ni Kgg. Esquivel ang parusang Reprimand sa Punong-Brgy. Ng Bantug ay ating ng pinagtitibay.
__________________________________________________________________________________________
N.IBA PANG TALAKAYIN:

KGG. LINO G. PADRE JR. - Hinggil po sa taunang budget nakasaad sa Local Code, na dapat maisubmit sa buwan ng September ito, bago sana natin talakayin sa susunod ay imbitahan ang Accounting Officer, dapat i-report ang January to June kung na-materialized ba ito ang proposed tax collection, baka kasi ang nasa proposal ay mas higit na malaki kumpara sa actual na collection ng tax?, marapat din na mag-ulat ang ating Ingat-Yaman bago mailagay sa agenda ang budget, ang deadline po ng submission ay October 16, tayo po’y magkakaroon ng penalty kung hihigit pa sa petsang nabanggit.

KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Tungkol po sa sinabi ni Kgg. Padre ayon po sa Article 414, Preparation of Executive-Budget the Local Chief Executive shall submit the Executive Budget to the SB Council not later than the 16th day of October of the current fiscal year. If the Local Chief Executive fails to submit their budget within the prescribed date, he shall be subject to such criminal and administrative penalties as provided under those rules and other applicable laws, pero nasa seminar po kasi, ang nagreceive po ay ang inyong abang-lingkod, eto na po.

KGG. LINO G. PADRE JR. - Maraming salamat, atin pong ibabalik sa Budget Office para bigyan ng kopya ang bawat isa.

KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Maganda ang sinabi ng ating Kgg. Padre naibalik sa Budget para maipa-bookbind at mabigyan ng kopya ang bawat isa sa SB.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Bago po natin ibalik sa Budget, ito ba ay subject for review? Ibabalik natin para maireproduce. Next session i-calendar na sa first reading.

KGG. LINO G. PADRE JR. - Bago po ang pagtindig ng pulong ay atin munang batiin ng Happy Birthday si KGG. CABATBAT.
__________________________________________________________________________________________
O.PAGTITINDIG NG PULONG:

KGG.LINO G. PADRE JR. - Iminumungkahi ko po ang pagtindig ng pulong

KGG. MELCHOR L. ESQUIVEL - Pinapangalawahan ko po.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Atin na pong itinitindig ang pagpupulong

Pagtitindig ng Pulong --- 11:07AM

INIHANDA NI:

JOEL P. ENRIQUEZ
SB Secretary

PINATOTOHANAN:
Kgg. ROSELLER T. DE GUZMAN
Municipal Vice Mayor & Presiding Officer

Reply

CAPTCHA
This question is for testing whether you are a human visitor and to prevent automated spam submissions.
11 + 0 =
Solve this simple math problem and enter the result. E.g. for 1+3, enter 4.