3 kabataan pinagsasaksak sa Cuyapo 1`Buhay 1Kritikal 1Patay

Written by: 
RNG FM News/NOBYEMBRE 12, 2009
Program: 

WALANG habas na pinagsasaksak noong Lunes dakong 8:10 ng gabi ng 2 hindi pa nakikilalang suspek ang 3 kabataan na sina Reynan Fatimo y' Irag, 28, Reynaldo Fatimo y' Irag, 24, kapatid ng una at kapwa residente ng Barangay. Paitan Norte, Cuyapo at si Herbert Raguindin y' Karununagn, 21,s residente naman ng District IV, bayan pa rin ng Cuyapo.

Ideneklara ng patay na kamakalawa ng gabi si Reynan Fatimosa Provincial Hospital ng Tarlac na nagtamo ng 2 malalim na saksak sa dibdib at 1 sa kanang kamay.

Ang kapatid nitong si Reynaldo ay nananatili parin sa nasabing pagamutan dahil sa saksak nito sa tiyan. Sa dami ng nawalang dugo kay Reynaldo, kinailangang salinan ito ng kamakalawa.

Samatala ligtas naman sa bingit ng kamatayan si Raguindin.

Sa inisyal na imbestigasyon na pinamunuan ni SPO1 Vergilio Samalbag ng PNP Cuyapo, nabatid na kainuman ni Raguindin sa bahay niya ang 2 kaibigan at ng umuwi ang 2 kaibigan ay sinamahan nito. Sa daan habang naglalakad ang 3 sa kahabaan ng Barangay. San Jose, 2 kalalakihan ang humarang at sila ay walang humpay na pinagsasaksak.

Habang sinusulat ang balitang ito ay nabatid na may led na ang mga otoridad kung sino ang 2 suspek na kanila ngayong hinahanap.

Reply

CAPTCHA
This question is for testing whether you are a human visitor and to prevent automated spam submissions.
1 + 10 =
Solve this simple math problem and enter the result. E.g. for 1+3, enter 4.