KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PAGPUPULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG GUIMBA, NUEVA ECIJA, NOONG IKA-09 NG NOBYEMBRE, 2009

100509SB session 003.jpg

KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PAGPUPULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG GUIMBA, NUEVA ECIJA, NOONG IKA-09 NG NOBYEMBRE, 2009 NA GINANAP SA BULWAGANG PULUNGAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG GUIMBA, NUEVA ECIJA.

MGA DUMALO:

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Vice Mayor and Presiding Officer
KGG. GAVINO M. LACSON, JR. - SB Kagawad
KGG. ERWIN J. MATEO - SB Kagawad
KGG. ARI VERGIL P. FABROS - SB Kagawad
KGG. EDGARDO P. MANGALINO - SB Kagawad
KGG. PEDRO G. CABATBAT - SB Kagawad
KGG. ATHENA ROXANNE A. GRAGASIN - SK Fed. President

DI MUMALO:

KGG. LINO G. PADRE JR. - SB Kagawad
KGG. PEDRO M. ESTABILLO - SB Kagawad
KGG. MELCHOR L. ESQUIVEL - SB Kagawad
KGG. LEONARDO DC. GARCIA - ABC President
_______________________________________________________________________________________
A.PAGBUBUKAS NG PULONG: KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN/Presiding Officer

Binuksan ang pulong sa ganap na ika-9:31 ng umaga.
_______________________________________________________________________________________
B.PANALANGIN:

Ang panalangin ay pinangunahan ni PASTOR EMMANUEL SIBUG
______________________________________________________________________________________
C.PAMBANSANG AWIT:

Ang pambansang awit ay pinangunahan ni Gng. GEMMA DC. BAUTISTA.
______________________________________________________________________________________
D.PAGTIYAK SA MGA DUMALO:

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Sa pagkakataon pong ito apat po sa ating mga kagalang-galang ang wala, may sapat po tayong bilang upang ang pagpupulong ay magpatuloy. Tayo po’y dadako na sa pagpapatibay sa nakaraang katitikan.
______________________________________________________________________________________
E.PAGPAPATIBAY SA NAKARAANG KATITIKAN:

KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Mr. Chairman

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Kgg. Lacson

KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Mr. Chairman tungkol po ditto sa page 3, dito sa ating balangkas, dito po sa sinabi ni Kgg. Padre tungkol sa Ordinansa na Mahigpit na Nag-aatas sa Lahat ng Establisimiyento Katulad ng Restaurant, Ihaw-ihaw, Carinderia at Iba pang Kauri Nito ang pagpapatable ng mga Babae na may kaparusahan, na ang unang paglabag ay 1,500, ang ikalawang paglabag ay 2,000, at ang pangatlong paglabag ay P2,500, sa aking pagkakaalam dapat hindi lalampas sa P2,000 ang multa sang-ayon sa batas.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - I-verify muna natin

G. MARIANITI V. MANALAYSAY - Sang-ayon po sa Local Code ay 2,500 po ang maximum penalty.

KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Kung wala na pong puna sa ating katitikan iminumungkahi ko po na ito’y atin ng pagtibayin.

KGG. PEDRO CABATBAT - Pinapangalawahan ko po

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Sa mungkahi ni Kgg. Lacson at pinangalawahan ni Kgg. Cabatbat ay atin nang pinagtitibay ang nakaraan katitikan ng may kaunting pagbabago.
______________________________________________________________________________________
F.MALAYANG TALAKAYAN/ORAS NG PAGTATANONG:

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Tayo po’y dadako na sa Malayang Talakayan at Oras ng Pagtatanong.

KGG. EDGARDO P. MANGALINO - Noong nakaraang sesyon ay pinainimbitahan po natin ang DA para mag-ulat sa nakaraan bagyo at ipaliwanag ang mga subsidy at sana hindi mabalewala ang pagpunta nila dito mungkahi ko po na sa Monday ay makarating an mga taga-DA.

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Nag-usap po kami na yung mga binhi, di na po kailangan ng resolusyon sapagkat yan ay programang pang-nasyonal na at ito ay automatic na na pinag-laanan ng kaukulang programa ng DA ang sinabi ni G. Dela Cruz ng DA na yung sa pagbili na lamang ng vegetable seeds ang kinailangan ng resolusyon.

KGG. EDGARDOP. MANGALINO - Ang SB po ay kailangan na alamin ang tungkol sa ganitong mga bagay dapat iulat nila kung ano ang plano para sa mga ating mga kababayan na nasalanta, at ilatag ang mga programa at kung ito ba’y matutugunan, ito po ang tungkulin ng SB.

KGG. ARI VERGIL P. FABROS - Tungkol po sa calamity, may power po ang SB na pag-reportin kung paano ito ginugol, hindi puwedeng di dumaan dito.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Ito’y pinag-usapan na noong huling dalawang regular sesyon, bigyan ulit ng notice ang DA at si tresurera para mapag-usapan ang calamity fund disbursement. May nais pa bang magsalita, kung wala na pumunta na tayo sa susunod na paksa.
______________________________________________________________________________________
G. MGA PAKSA SA UNANG PAGBASA:

WALANG NAKATALA
______________________________________________________________________________________
H. PAG-UULAT NG MGA KUMITE:

WALANG NAKATALA
______________________________________________________________________________________
I. MGA DI NATAPOS NA GAWAIN:

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Liham mula sa Land Bank Leasing Corporation na may kinalaman sa “Shuttle Bus” ng munisipyo, narito po ang ating mga bisita para magpaliwanag.

KGG. EDGARDO P. MANGALINO - I move to suspend the rule

9:47AM --- RULE SUSPENDED

(Sa pagkakataong ito ay kinakausap ng mga kagalang-galang ang mga bisita, galing sa Land Bank Leasing Corporation)

10:10 AM --- RESUMPTION OF THE RULES
______________________________________________________________________________________
J. PAHATID LIHAM:

WALANG NAKATALA
______________________________________________________________________________________
K. URGENT MEASURE:

WALANG NAKATALA
______________________________________________________________________________________
L. MGA PAKSA SA IKALAWANG PAGBASA:

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - 1. Isang Resolusyon/Ordinansa na Naglalayong Lagyan ng Katagang “PRIVATE USE ONLY” ang lahat ng Tricycle na hindi Ginagamit na Pamasada, o Gamit Pampribado, Bago Mapagkalooban ng Plaka na may Nakasaad din na “PRIVATE USE ONLY.”.- PROPONENT: SBM PEDRO G. CABATBAT

KGG. PEDRO G. CABATBAT - Mr. Chairman, yamang ako ang proponent nito eh i-laid on the table muna natin habang wala si ABC Garcia para sa kanyang mga tanong.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Salamat Kgg. Cabatbat

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - 2. Resolution for information campaign for re-cycling of Garbage into organic fertilizer. PROPONENT: SBM GAVINO M. LACSON JR.

KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Last session nagkaroon po ng question kung paano makakagawa ng organic fertilizer eh samantalang nawawala naman yung shredder machine, nariyan po ang OIC Mr. Jobo Delantar upang magpaliwanag duputy ENRO po yan.

KGG. EDGARDO P. MANGALINO - Di po ba pina-imbita natin ang ENRO para magpaliwanag?

KGG. PEDRO CABATBAT - Hindi po ba si Philip Lapada dalawang beses na nating pinatawag eh wala pa.

KGG. GAVINO M. LACSON JR. - On leave po yata

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Ah si Jobo na lang.

KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Narito na po ang OIC ng ENRO Mr. Jobo Delantar

KGG. EDGARDO P. MANGALINO - Mr. Chairman, I move to suspend the rule

10:15AM RULE SUSPENDED

(Tinatanong ng mga kagalang-galang si Mr. Jobo Delantar tungkol sa nawawalang shredder machine at ang paggawa ng Organic Fertilizer)

10:30AM RESUMPTION OF THE RULES

KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Ah, Mr. Chairman, yamang tapos na ang pagtatanong sa nawalang makina dumako na tayo sa. Resolution for information campaign for re-cycling of Garbage into organic fertilizer, mungkahi ko na ilagay sa pangatlong pagbasa

KGG. ARI VERGIL P. FABROS - Katanungan lang po muna, ilan po ang machine na gumagana?

MR. JOSE DELANTAR - Tatalo (3) po, isa lang po ang pang-organic.

KGG. ARI VERGIL P. FABROS - Saan po galing ang mga basura na ginagawang organic?

MR. JOSE DELANTAR - Sa palengke po

KGG. ARI VERGIL P. FABROS - Baka po kasi pag naglabas tayo ng Campaign sa mga pribado eh baka di natin ma-accommodate?

KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Sinabi natin noon na sa basura may pera magkano ang per bag?

MR. JOSE DELANTAR - P200 po, pero sa ngayon po ay pinahihingi namin

KGG. EDGARDO P. MANGALINO - Hanggang kalian ipapahinge kung walang self-generating income yan paano makakabawi, sana bantayan niyo na yung makina at kung mawawala eh wag sa Banitan.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Kung sakaling kailangan naming na magpahingi sa barangay puwede ba?

MR. JOSE DELANTAR - Kung ako lang po gusto ko, baka bukas po pumasok na yung boss ko, hindi ko na po alam.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Inireport ba sa police yan?

MR. JOSE DELANTAR - Opo

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Bago natin pagtibayin imbitahin natin si Hepe o kaya si Deputy Calosa at si G. Jose Delantar ulit.

KGG. PEDRO CABATBAT - Pati na rin si Mr. Lapada

KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Yamang ito’y resolusyon para sa information campaign ilagay na po sa pangatlong pagbasa.

KGG. ARI VERGIL P. FABROS - Pinangalawahan ko po.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Sa mungkahi ni Kgg. Lacson at pinangalawahan ni Kgg. Fabros ay atin pinagtitibay na madala sa pangatlong pagbasa ang nasabing paksa

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - 3. Resolution for financial Assistance to San Roque Elementary School, amounting to TWO THOUSAND PESOS (P2,000). PROPONENT: SBM LINO G. PADRE JR.

KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Mr. Chairman bilang Chairman ng Finance pakipasa na lang sa akin, mungkahi ko na madala na sa pangatlong pagbasa.

KGG. ERWIN J. MATEO - Pinapangalawahan ko po.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Sa mungkahi ni Kgg. Lacson na pinangalawahan ni Kgg. Mateo ito ay pinagtitibay na madala na sa pangatlong pagbasa.

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - 4. Resolution for SB Approval of Barangay Ordinance No. 2 Series of 2009 of Brgy. San Rafael, Guimba, Nueva Ecija.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Naipasa po to sa Committee on Rules, wala po si Kgg. Padre i-laid on the table muna natin ito.

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - 5. Resolution for SB Approval of Barangay Ordinance No. 1, Series of 2009 of Brgy. Galvan, Guimba, Nuva Ecija

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - I-laid on the table muna at wala ang Kgg. Padre.

SB SEC JOEL P. ENRIQUEZ - 6. Kapasyahang mahigpit na nag-aatas sa mga dayuhang mamimili na tumubos ng “Hauling Pass” sa local na pamahalaan upang makapamili ng palay sa bayan ng Guimba

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - I-laid on the table muna at wala si Kgg. Estabillo

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - 7. Kapasyahang Magkaroon ng mga pagkakilanlan o “Identification Cards” mula sa Munisipyo ang lahat ng Ahente ng mga mamimili ng palay.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - I-laid on the table muna at wala si Kgg. Estabillo

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - 8. Resolution for approval of proposed Municipal Annual Budget for 2010

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Wala ang mga department head nasa meeting padalhan na lang ulit ng paanyaya para sa susunod na pagpupulong.

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Kagalang-galang na Presiding Officer sa susunod na lang daw po sila aattend, nagpunta po dito ang private secretary ni Mayor at pinasabi na kinakailangan ding maabisuhan ang tanggapan ng Puongbayan.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Mga Ginoo, puwede ba kayong bumalik sa susunod na sesyon (tinutukoy ang mga bisita galing sa Land Bank).

MR. PETER TROJILLO - Opo

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Salamat pos a inyo na aming mga bisita inaasahan po naming kayo sa susunod na sesyon November 16, 2009, 9AM.
_____________________________________________________________________________________
M.MGA PAKSA SA IKATLONG PAGBASA:

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Tayo po’y dadako na sa Mga Paksa sa Pangatlong Pagbasa
1. SB Resolution No. 92-09 Resolution for Approval of Annual Investment Plan (AIP) for 2010 of the Municipality of Guimba, Nueva Ecija. Proponent: SBM GAVINO M. LACSON JR.

KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Iminumungkahi ko po na ang Resolution No. 92-09 Approval of Annual Investment Plan (AIP) for 2010 of the Municipality of Guimba, Nueva Ecija ay atin nang pagtibayin.

KGG. PEDRO CABATBAT - Pinapangalawahan ko po.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Sa mungkahi ni Kgg. Lacson at pinangalawahan ni Kgg. Cabatbat ang Resolution No. 92-09 Approval of Annual Investment Plan (AIP) for 2010 of the Municipality of Guimba, Nueva Ecija ay atin ng pinagtitibay.

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - 2. SB Resolution No. 93-09 Resolution for approval of Local Development investment Plan (LDIP) for the Year 2010-2014. Proponent: SBM GAVINO M. LACSON JR.

KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Iminumunahi ko po ang Resolution No. 93-09 Resolution for approval of Local Development investment Plan (LDIP) for the Year 2010-2014 ay atin ng pagtibayin.

KGG. ERWIN J. MATEO - Pinapangalawahan ko po.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Sa mungkahi ni Kgg. Lacson at pinapangalawahan niKgg. Mateo ang Resolution No. 94-09 Resolution for Approval of Local Development investment Plan (LDIP) for the Year 2010-2014 ay atin ng pinagtitibay.

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - 4. SB Kapasyahan Blg. 95-09 Kapasyahan para sa Pakikipagtulungan sa Paglilinis ng mga Nakabarang Basura sa mga Paglilinis ng mga Drainage Canal na Dulot ng mga Nakaraan Bagyo sa Bayang Guimba. PROPONENT: SBM GAVINO M. LACSON JR.

KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Iminumungkahi kop o na ang Kapasyahang bilang 95-09 Kapasyahan para sa Pakikipagtulungan sa Paglilinis ng mga Nakabarang Basura sa mga Paglilinis ng mga Drainage Canal na Dulot ng mga Nakaraan Bagyo sa Bayang Guimba ay atin ng pagtibayin.

KGG. PEDRO CABATBAT - Pinangalawahan ko po

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Sa mungkahi ni Kgg. Lacson at pinangalawahan ni Kgg. Cabatbat ang Kapasyahan Bilang 95-09 Kapasyahan para sa Pakikipagtulungan sa Paglilinis ng mga Nakabarang
Basura sa mga Paglilinis ng mga Drainage Canal na Dulot ng mga Nakaraan Bagyo sa Bayang Guimba ay atin ng pinagtitibay.

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - 5. Resolution No. 96-09 Resolution Requesting the DENR to Allocate Fruit Bearing Trees Seedlings to ENRO-Guimba for the Protection of the Environment. PROPONENT: SBM GAVINO M. LACSON JR.

KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Iminumungkahi kop o na ang Resolution No. 96-09 Resolution Requesting the DENR to Allocate Fruit Bearing Tree Seedlings to ENRO-Guimba for the Protection of the Environment ay atin ng pagtibayin

KGG. ERWIN J. MATEO - Pinapangalawahan ko po

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Sa mungkahi ni Kgg. Lacson at pinapangalawahan ni Kg. Mateo ang Resolution No. 96-09 Resolution Requesting the DENR to Allocate Fruit Bearing Tree Seedlings to ENRO-Guimba for the Protection of the Environment ay atin ng pinagtitibay.
_______________________________________________________________________________________
N.IBA PANG TALAKAYIN:

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Tayo po’y dadako na sa Iba Pang Talakayin

KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Kung wala na pong tatalakayin, iminumungkahi ko na tindig ang pagpupulong

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Bago natin itindig ang pulong ay mayroon lang akong sasabihin mabuti at narito ang mga kapatid natin sa RNG, napag-alaman naming na may sinabi si Enchie, tungkol sa advance ng mga sweldo, at ito’y pinatutunayan niya, yun ay para lang sa sarili niya walang kinalaman ang SB, kumuha man sila ay ipinamimigay din sa ating mga kababayan, si Konsehal Esquivel, pag may nagpuntang indigent dito sa halip na bigyan niya, dinadala pa sa akin, wala siyang karapatang magsabi ng ganon.

GNG. LUZ GUIUO (RNG) - Galing po sa mga texter yan hindi po kay Konsehal Enchie, puwede po ba mag-guest kayo sa RNG para sa pagpapaliwanang?

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Okey
_______________________________________________________________________________________
O.PAGTITINDIG NG PULONG:

KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Iminumungkahi ko po ang pagtindig ng pulong

KGG. PEDRO CABATBAT at
KGG. ERWIN J. MATEO - Pinapangalawahan po namin

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Atin na pong itinitindig ang pagpupulong na ito, salamat sa inyong lahat

Pagtitindig ng Pulong --- 10:50AM

INIHANDA NI:
JOEL P. ENRIQUEZ
SB Secretary

PINATOTOHANAN:
Kgg. ROSELLER T. DE GUZMAN
Municipal Vice Mayor & Presiding Officer

Isinulat ni: 
JOEL P. ENRIQUEZ

Reply

CAPTCHA
This question is for testing whether you are a human visitor and to prevent automated spam submissions.
1 + 0 =
Solve this simple math problem and enter the result. E.g. for 1+3, enter 4.