Sesyon ng SB-Guimba Madalas Suspended ang Rules Bawas tuloy ang tala sa minutes
KAPAG suspendido ang rules sa sesyon ng Sangguniang Bayan (SB) ng Guimba, hindi nakatala sa katititkan nito ang mga kaganapan sa talakayan. Ito ang napapansin sa sipi ng Katititkan ng Sangguniang Bayan (SB) ng Guimba
Ang tanong? Talaga bang hindi tinatala ang mga talakayan kapag suspendido ang rules? Pangalawang tanong? Bakit kailangang isuspinde ang rules. Tanong pa? May mga bagay-bagay ba na hindi dapat itala sa minutes?
Ito ba ay kung nasasalang ang internal security ng LGU at ng Bayan kaya ayaw ipatala ang kanilang mga sasabihin o security nila bilang Konsehal ang mababantad?
Nakakahiya ba ang pinag-uusapan o ang sasabihin ng isang Konsehal ang nakakahiya?
Maanomalya ba ang usapin at sangkot ang SB? Masisira ang institusyon pinakiingatan ng mga Kagalang-galang o masyadong personal ang usapin?
Hindi naman kaya nasosobrahan ang mga miembro ng Sangguniang sa off the record na talakayan. Paano naman ang karapatan ng mamamayan na mabatid ang lahat ng mga pinag-uusapan sa SB?
Kapag kasi hindi naitatala ang mga usapin lalo na't maselan, ang pumapasok sa isipan ng mga tao ay may itinatagao. Kaya ayaw ipabatid ang postura ng mga Konsehal sa mga maiinit na usapin. Tila hindi kayang panindigan ang kanilang mga tindig?
Mas malala pa ay isipin ng mga tao na mayoong pinoprotektahan ang mga Konsehal. Ayaw ibuking sa taong bayan ang sino o anumang bagay na nakasalang.
Kung manantili ito, nasaan ang transparency?
Hala! Tagu ng tago... Baka mabulok... Pati kayo mangamoy at itapon sa 2010!
.
.
MGA BAHAGI NG KATITITKAN NA SINUSPINDE ANG RULES:
.
.
1.
KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PAGPUPULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG GUIMBA, NUEVA ECIJA, NOONG IKA-09 NG NOBYEMBRE, 2009
I. MGA DI NATAPOS NA GAWAIN:
SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Liham mula sa Land Bank Leasing Corporation na may kinalaman sa “Shuttle Bus” ng munisipyo, narito po ang ating mga bisita para magpaliwanag.
KGG. EDGARDO P. MANGALINO - I move to suspend the rule
9:47AM --- RULE SUSPENDED
(Sa pagkakataong ito ay kinakausap ng mga kagalang-galang ang mga bisita, galing sa Land Bank Leasing Corporation)
10:10 AM --- RESUMPTION OF THE RULES
.............................................................................................................................................
2.
KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PAGPUPULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG GUIMBA, NUEVA ECIJA, NOONG IKA-09 NG NOBYEMBRE, 2009
L. MGA PAKSA SA IKALAWANG PAGBASA:
KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Last session nagkaroon po ng question kung paano makakagawa ng organic fertilizer eh samantalang nawawala naman yung shredder machine, nariyan po ang OIC Mr. Jobo Delantar upang magpaliwanag duputy ENRO po yan.
KGG. EDGARDO P. MANGALINO - Di po ba pina-imbita natin ang ENRO para magpaliwanag?
KGG. PEDRO CABATBAT - Hindi po ba si Philip Lapada dalawang beses na nating pinatawag eh wala pa.
KGG. GAVINO M. LACSON JR. - On leave po yata
KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Ah si Jobo na lang.
KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Narito na po ang OIC ng ENRO Mr. Jobo Delantar
KGG. EDGARDO P. MANGALINO - Mr. Chairman, I move to suspend the rule
10:15AM RULE SUSPENDED
(Tinatanong ng mga kagalang-galang si Mr. Jobo Delantar tungkol sa nawawalang shredder machine at ang paggawa ng Organic Fertilizer)
10:30AM RESUMPTION OF THE RULES
.....................................................................................................................................................
3.
KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PAGPUPULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG GUIMBA, NUEVA ECIJA, NOONG IKA-03 NG NOBYEMBRE, 2009
L. MGA PAKSA SA IKALAWANG PAGBASA:
SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - 1. Isang Resolusyon/Ordinansa na Naglalayong Lagyan ng Katagang “PRIVATE USE ONLY” ang lahat ng Tricycle na hindi Ginagamit na Pamasada, o Gamit Pampribado, Bago Mapagkalooban ng Plaka na may Nakasaad din na “PRIVATE USE ONLY.”.- PROPONENT: SBM PEDRO G. CABATBAT
KGG. PEDRO G. CABATBAT - Narito po si Mr. Ferrer at siya na po ang magpapaliwanag dito sa Resolution/Ordinance na ito. Mr. Ferrer?
KGG. LINO G. PADRE JR. - Mr. Chairman, I move to suspend the Rules.
9:55AM Rules Suspended
Tinanong ng mga Kagalang-galang na mga Konsehal si G. Ferrer na siyang kinatawan ng Municipal Planning and Development Office tungkol sa usapin ng pagkuha ng mga Tricycle na Pampribado ng plakang may katagang “Private Use Only,” at kung ito ba ay nararapat o hindi nararapat pang kumuha ang mga nag-mamay-ari ng mga pribadong tricycle.
...............................................................................................................................................
4.
KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PAGPUPULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG GUIMBA, NUEVA ECIJA, NOONG IKA-03 NG NOBYEMBRE, 2009
KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Sa mungkahi ni Kgg. Lacson Jr. na pinangalawahan ng lahat ng mga kagalang-galang na mga konsehal ang Resolution Commending P/SUPT. RENATO O. DAVID PNP, COP Guimba Police Station and PS/INSP. ENGRACIO CALOSA, Deputy COP for their Relentless and Diligent Effort to Combat Crime and their Manifestation of Excellent Police-Community Relations in the Municipality of Guimba ay atin nang pinagtitibay. Bago po tayo pumunta sa mga Paksa sa Pangatlong Pagbasa ay balikan na muna natin yung nabinbin na urgent measure kanina, narito si Gng Tresurera para sa ilang mga katanungan.
KGG. LINO G. PADRE JR. - I move for the suspension of the Rules.
10:55 AM Suspended ang Rules
Dito ay tinanong ng mga kagalang-galang si Gng. Agueda I. Santos, ang pambayan Tresurera, at G. Rolly Gaspar
patungkol sa kung magkano ang sisingilin ng munisipyo sa Hauling Pass ng mga dayuhang mamimili ng palay sa ating bayan.
........................................................................................................................................
5.
KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PAGPUPULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG GUIMBA, NUEVA ECIJA, NOONG IKA-19 ng OKTUBRE, 2009
H. PAG-UULAT NG MGA KUMITE:
KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Narito po ang aming Committee Report: The Committee on Finance conducted a meeting on October 11, 2009 at the SB Hall, at about 2:00 PM with claimant Mari-jo S. Dee and SK Presidents in Various Barangays indicated in the Letter-Complaint the said claimant filed several weeks ago.
Present in the meeting were the Chairman of said Committee, SBM Gavino M. Lacson, Jr. an Honorary member SBM Edgardo P. Mangalino, our Secretary Mr. Enriquez, SK President Athena Roxanne Gragasin with the SK Presidents of Barangay Tampac I, Macapalellag, Sta. Ana, and Sto. Cristo. Two Punong Barangays were also Present, PB Boy Alvin Libunao representing his SK President, and PB Santiago of Macapabellag.
Absent in the meeting were the SK Presidents of Partida I and San Roque.
The meeting resulted in the compromise agreements between both parties in the condition that the claimant, Mrs. Dee furnished them documents to support their vouchers for the justification of liquidating their funding for the payments of their respective obligations to the claimant.
The Punong Barangay of Partida I sent text message that he will likewise pay for the obligation incurred by his SK President provided that the conditions above cited shall be done also for the liquidation of the fund they will allocate for the claim.
The Committee on Finance will see to it that said claim will be resolved and will result in a very positive manner.
PREPARED BY:
SBM GAVINO M. LACSON, JR.
Committee Chairman
KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Dito pos a aking ine-report ay dadagdagan na lang ni Ms. Marijo Dee ang report paki suspend na lang po ang Rules Mr. Chairman.
KGG. LINO G. PADRE JR. - I move for the suspension of the Rules.
RULE SUSPEND --- 10:25AM
Sa kasalukuyan po ay nagsasalita si Gng. Marijo Dee
.................................................................................................................................
6.
KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PAGPUPULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG GUIMBA, NUEVA ECIJA, NOONG IKA-28 SETYEMBRE, 2009
H. PAG-UULAT NG MGA KUMITE:
KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Para pos a kaalaman ng ating mga kasamahan at sa lahat ng narito ngayon, panahon na po ng anihan at may resolution po tayo na bawal magbilad ng palay sa kalye, mabuti narito rin po ang ating hepe, upang malaman niya na ito ay isang pambansang Kautusan kaya lang pinapayagan natin at with maximum tolerance, kung tutuusin po sana bawal pero pinagbibigyan nga po natin ang mga magsasaka nating mga kababayan kaya meron pong resolusyon noon gang SB Resolution No. 45-07 na pinahihintulutan nating magbilad kaya lang bawal maglagay ng bakal, kahoy na harang at nais ko po sanang ipatupad ang resolution na ito sapagkat maraming mga pasahero ang nagrereklamo at nagiging sanhi din ito ng aksidente.
KGG. LINO G. PADRE JR. - Mr. Chairman, I move to suspend the rules.
9:40 AM RULE SUSPENDED
Sa pagkakataon pong ito ay pinag-uusapan ng mga kagalang-galang
kasama ang Hepe ng Pulisya ng ating bayan, tungkol sa pagbibilad ng palay sa highway na ang mga nagbibilad dito ay hinaharangan pa ng kung anu-anong bagay.
...............................................................................................................................................
7.
KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PAGPUPULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG GUIMBA, NUEVA ECIJA, NOONG IKA-28 SETYEMBRE, 2009
J. PAHATID LIHAM:
SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Dadako na po tayo sa susunod na paksa, Pahatid Liham.
1) Claim for delayed Payments of Airline tickets and Hotel Accomodation in the amount of P95,000.00 from Mrs. Mariejo S. Dee.
KGG. LINO G. PADRE JR. - I move for the suspension of the rules.
9:53AM SUSPEND RULE
Nagsalita si Mr. Mariejo S. Dee
.................................................................................................................................................
8.
KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PAGPUPULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG GUIMBA, NUEVA ECIJA, NOONG IKA-28 SETYEMBRE, 2009
L. MGA PAKSA SA IKALAWANG PAGBASA:
SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Tayo po ay dumako na sa Mga Paksa sa ikalawang Pagbasa.
1) Administrative Case No. 06-09---Reklamo ng mga concerned citizen ng Brgy. Bantug, laban kay Punong-Brgy. Cruzaldo Rombaoa at iba pa.
KGG. LINO G. PADRE JR. - I move for the suspension of the rules.
RULE SUSPENDED @ - 10:01 AM
Nakiusap ang mga concerned citizen ng Barangay Bantug na humihiling ng 1 linggo pang extension o palugit para makapag-sumite ng COA Report sa kabila na natapos na ang 90 days investigation period ng nasabing kaso administratibo. Ang ilang mga Kagalang-galang at mga panauhin ay humiling na for the record ang ilan nilang binanggit gaya nina:
KGG. GAVINO M. LACSON JR. - For the record lang po, umaapela po ang mga concerned citizen ng Bantug, bakit di po natin pagbigyan?
...........................................................................................................................................
9.
KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PAGPUPULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG GUIMBA, NUEVA ECIJA, NOONG IKA-22 SETYEMBRE, 2009
I. MGA DI NATAPOS NA GAWAIN:
SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Ang pangalawa po ay ang hinaing ng apat (4) na samahan ng poblacion TODA at San Roque West TODA laban sa Manacsac TODA na kumukuha at naghahatid ng mga pasahero sa loob ng bayan. Napadalhan po natin ng sipi ang president ng TODA narito po sila.
KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Puwede ba isuspend ang rule
KGG. LINO G. PADRE JR. - I move to suspend the rule
RULE SUSPENDED 9:46 AM
Nagpapalitan ng paliwanag ang dalawang TODA, nagpapaliwanag din si Kgg. PEDRO G. CABATBAT
............................................................................................................................................
10.
KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PAGPUPULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG GUIMBA, NUEVA ECIJA, NOONG IKA-22 SETYEMBRE, 2009
N.IBA PANG TALAKAYIN:
KGG. LEONARO DC. GARCIA - Bilang Chairman ng Brgy. Affairs, naniniwala po ako na hindi nila alam ang nangyari sa hearing kaya dapat po gawin nating En-Banc para pagdating po sa pag-dedesisyon ay di mahihirapang magbigay ng kanilang desisyon ang bawat miyembro ng Sanggunian.
KGG. LINO G. PADRE JR. - Iminumungkahi ko na ilagay sa pangalawang pagbasa
KGG. LEONARDO DC. GARCIA - Hindi po nilalagay sa 1st and 2nd reading dapat po ito nakabukod ang pagdinig katulad nung nasa Sangguniang Panlalawigan pa ako, may case folder ng bawat isa, mungkahi ko po na ang pagdinig ay gawin nang En-Banc.
KGG. LINO G. PADRE JR. - Ang pagsisiyasat kasi sa barangay ay joint ang Barangay Affairs at and Committee On Rules dapat ay malaman din ng buong kapulungan kaya pinapangalawahan ko po ang mungkahi.
RULE SUSPENDED --- 10:30 AM
Sa pagkakataon na ito ay nagsasalita ang bisitang concerned citizens ng Brgy. Bantug
.........................................................................................................................................
11.
KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NA GINANAP NUONG IKA-19 NG AGOSTO, 2009
H. PAG-UULAT NG MGA KUMITE:
9:44 AM RULE SUSPENDED
(Sinuspinde ang Rules at binigyan ng panahon si Punong Barangay Celo De Vera tungkol sa schedule ng paghahakot ng basura sa nasasakupan niyang barangay)
..........................................................................................................................................
12.
KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NA GINANAP NUONG IKA-19 NG AGOSTO, 2009
KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN --- Ating napag-usapan na kanselahin muna ang pagparada ng Fermina Transit, gawan agad ng aksyon, kung may permit na sila saka natin pag-usapan.
KGG. LINO G. PADRE JR. --- Hinggil po sa Performance Bonus, anyayahan ang Accountant, Treasurer, Budget sa next session
KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN --- Di ba kayo magpapasalamat sa mga kagalang-galang? (Tinutukoy dito ay ang mga Guimba-Tarlac Drivers and Operators)
TARLAC/MAKABAYAN JODAI --- Nagpapasalamat po kami sa ating mga kagalang-galang at sa inyo po Vice Mayor, kung papayagan niyo po baka pwedeng kami na ang umapela na wag n g bigyan ng prangkisa ang Fermina Transit
KGG. GAVINO M. LACSON JR. --- Yayamang tinatalakay ang Fermina at Baliwag Transit, nais ko lang po ipagbigay alam na may gustong pumasok na bus dito sa bayan natin ang Five Star, dapat tutulan na nila ito.
KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN --- May nais pa bang magsalita
KGG. PEDRO G. CABATBAT --- Noong nakaraang lingo sinabi ko po na ngayong Myerkules ay magdala sila ng certification, bigyan natin sila ng isang linggo kung totoo na may application na sila, pero ang daan nila Guimba via Victoria SCTEX.
Rule suspend 10:10 AM
(Dito ay nagsalita ang pangulo ng Guimba JODAI tungkol sa hinaing sa Fermina Bus)
............................................................................................................................................
12.
KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PAGPUPULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG GUIMBA, NUEVA ECIJA, NOONG IKA-22 NG HULYO 2009
I. MGA HINDI NATAPOS NA GAWAIN:
SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ: Tayo po’y dadako sa Mga di natapos na gawain. Unahin na po ang No. 2, Kahilingan ng Brgy. St. John na makuha ang kanilang bahagi sa real Property Tax, magmula noong July-December, 2007, Jan-December, 2008 at January-July, 2009
KGG. LINO G. PADRE JR: Move to suspend the rule
SUSPEND ANG RULE 9:43AM
Sa tagpong ito nagsalita ang Manager ng Land Bank, at nagpaliwanag tungkol sa kung bakit nakapaglalabas pa ng mga pondo ang mga nasuspindeng mga opisyales ng mga barangay. Nagsalita din ang BRGY. CAPT. NG STO. CRISTO,KGG. CELO DE VERA at nagpaliwanag tungkol sa wastong pamamaraan ng paglalabas ng perang barangay sa Land Bank.”
............................................................................................................................................
13.
KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PAGPUPULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG GUIMBA, NUEVA ECIJA, NOONG IKA-22 NG HULYO 2009
KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN: Yayamang napakinggan na natin ang opinion ng bawat isa bigyan natin ng oras an gating mga bisita para makapagsalita, isuspend ang rule
KGG. GAVINO M. LACSON JR: Di pa po tapos ang ating pinag-uusapan
KGG. ARI VERGIL P. FABROS: Tatanungin po ang ating mga bisita
KGG. LEONARDO DC. GARCIA: Wala po silang karapatang magsalita
KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN: Okey ang gagawin na lang natin di suspend ang rule at muli kong paliwanag ang opinion ng bawat isa at wala naming dahilan para di natin isuspend ang rule
KGG. LINO G. PADRE JR: Wala po kasing imbitasyon ang mga bisita
KGG. ARI VERGIL P. FABROS: Since public hearing naman po tayo
KGG. LEONARDO DC. GARCIA: Ito po’y resolution hindi ordinansa kaya hindi kailangan ng public hearing.
KGG. GAVINO M. LACSON JR: Kanina po ay napakinggan kung ano ruling nyo, tingnan kung ilan ang sumang-ayon at di sumang-ayon
KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN: Kung –iaalow ninyo na isuspend ang rule, kusa silang nagpnta dito upang magbigay ng paliwanag
KGG. EDGARDO P. MANGALINO: Para po masabi ng ating mga kababayan, pabor po ako na bigyan ng pananalita pero di po naka-calendar, at yun pong mga opinion ay bigyan ng pansin
KGG. ARI VERGIL P. FABROS: Siguro ay ilimit na lang natin ang mga panauhin.
KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN: Bigyan po natin sila ng 5 minutes
KGG. LEONARDO DC. GARCIA: Yun, naman pong sa akin ay di naman ako tutol kaya lang po ay yun ang proseso.
KGG. MELCHOR L. ESQUIVEL: I move to suspend the rule
KGG. EDGARDO P. MANGALINO: Bago i-suspend ang rule pakisight po na 5 minutes lang
SUSPEND THE RULE 11:03AM
Nagsasalita po ang bisita na si DR. LUMANG
...........................................................................................................................................
14.
KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PAGPUPULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG GUIMBA, NUEVA ECIJA, NOONG IKA-22 NG HULYO 2009
J. PAHATID LIHAM:
SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ: Meron po dito sipi galing sa Brgy. Sto. Cristo, letter claimaing RPT share ng nasabing barangay amounting to P393,393.20 as of July 2009 in the municipality of Guimba, Nueva Ecija.
KGG. LINO G. PADRE JR: I move to suspend the rules.
KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN: Suspend the rules.
11:10AM
Sa kasalukuyan po ay nagsasalita ang Brgy. Capt ng Sto. Cristo, nagsalita din si Mr. Marianito Manalaysay
KGG. LINO . PADRE JR: Resume the rule 11:24AM
KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN: Tayo’y dumako sa susunod na paksa
SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ: May sulat po dito ang GUIMBA-TARLAC TRANSPORT SERVICE COOPERATIVE, INC. sabay na po ito nung sa Makabayan JODAI dahil pareho din ng nilalaman ng kanilang resolusyon.
KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN: Atin pong ipapasa sa Committee on Transporation
KGG. PEDRO G. CABATBAT: Iminumungkahi ko na isuspend ang rule
SUSPEND --- 11:25AM
Sa tagpong ito ay pinagsalita ang 2 pangulo ng mga Jeepney Association.
Pina iimbitahan ni Kgg. Pedro G. Cabatbat ang Fermina Bus Supervisor.
