KATITIKAN NG IKA-35 NA PANGKARANIWANG PAGPUPULONG PARA SA TAONG 2009 NG SANGGUNIANG BAYAN NG GUIMBA NOONG IKA-16 NOBYEMBRE 2009

BLD059325.jpg

KATITIKAN NG IKA-35 NA PANGKARANIWANG PAGPUPULONG PARA SA TAONG 2009 NG SANGGUNIANG BAYAN NG GUIMBA, NUEVA ECIJA, NOONG IKA-16 NG NOBYEMBRE, 2009 NA GINANAP SA BULWAGANG PULUNGAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG GUIMBA, NUEVA ECIJA.

MGA DUMALO:

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Vice Mayor and Presiding Officer
KGG. GAVINO M. LACSON, JR. - SB Kagawad
KGG. ERWIN J. MATEO - SB Kagawad
KGG. ARI VERGIL P. FABROS - SB Kagawad
KGG. EDGARDO P. MANGALINO - SB Kagawad
KGG. PEDRO G. CABATBAT - SB Kagawad
KGG. MELCHOR L. ESQUIVEL - SB Kagawad
KGG. LINO G. PADRE JR. - SB Kagawad

DI MUMALO:

KGG. PEDRO M. ESTABILLO - SB Kagawad
KGG. LEONARDO DC. GARCIA - ABC President
KGG. ATHENA ROXANNE A. GRAGASIN - SK Fed. President
_______________________________________________________________________________
A.PAGBUBUKAS NG PULONG:

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Presiding Officer

Binuksan ang pulong sa ganap na ika-9:48 ng umaga.
_______________________________________________________________________________
B.PANALANGIN:

Ang panalangin ay pinangunahan ni KGG. LINO PADRE JR.
_______________________________________________________________________________
C.PAMBANSANG AWIT:

Ang pambansang awit ay pinangunahan ni Gng. GEMMA DC. BAUTISTA.
_______________________________________________________________________________
D.PAGTIYAK SA MGA DUMALO:

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Kagalang-galang na Presiding Officer sa pagkakataon pong ito ay tatlo sa ating mga kagalang-galang ang wala, si Kgg Pedro Estabillo po ay namatayan ng Ama. Tayo po’y may sapat na bilang upang makapagsimula. Tayo po’y dadako na sa pagpapatibay sa nakaraang katitikan.
________________________________________________________________________________
E.PAGPAPATIBAY SA NAKARAANG KATITIKAN:

KGG. LINO PADRE JR. - Mr. Chairman

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Kgg. Padre

KGG. LINO PADRE JR. - Bagamat wala ako noong nakaraang sesyon, dito po sa page one, mga establisyemento nag-aatas na bawal ang pagpapa-table, nais ko lang malaman kung napagtibay dahil wala po ditto sa agenda.

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Yan po’y napagtibay na noong nakaraang sesyon Kgg. Padre.

KGG. LINO PADRE JR. - Kung napagtibay na eh di wala nang problema.

KGG. ERWIN MATEO - Kung wala na pong puna, iminumungkahi ko na pagtibayin na ang nakaraang katitikan.

KGG. GAVINO LACSON JR. - Pinapangalawahan ko po

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Sa mungkahi ni Kgg. Mateo at pinangalawahan ni Kgg. Lacson ay atin nang pinagtitibay ng walang pagbabago ang nakaraang katitikan
_______________________________________________________________________________
F.MALAYANG TALAKAYAN/ORAS NG PAGTATANONG:

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Tayo po’y dadako na sa Malayang Talakayan at Oras ng Pagtatanong.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Mr. Secretary, meron ba tayong bisita?

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Meron po, mga Department Heads po, at ang Kapulisan

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Meron pa bang nais magtanong o nais talakayin kung wala tayo’y dumako na sa susunod na paksa
__________________________________________________________________________________________________
G. MGA PAKSA SA UNANG PAGBASA:

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - 1) Resolution requesting the Municipal Solid Waste Management Board to conduct Semi-Annual Meeting to be administered by the Municipal Environment and Natural Resources Office. PROPONENT: SBM GAVINO M. LACSON JR.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Ating ipapasa ang nasabing paksa sa Chairman ng ENRO Kgg. Lacson

SB SEC JOEL P. ENRIQUEZ - 2) Resolution requesting all barangays to submit their respective solid waste management committee to ENRO Office. PROPONENT: GAVINO M. LACSON JR.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Atin pong ipapasa ang nasabing resolution sa Chairman Kgg. Lacson at Brgy. Affairs Kgg. Garcia

SB SEC JOEL P. ENRIQUEZ - 3) Pagpapatibay ng SB sa Kautusan Blg. 003 Serye ng 2009 ng Barangay Cawayan Bugtong, kautusang mahigpit na nagbabawal sa pagpapawala ng alagang hayop tulad ng baka, kambing, kalabaw, aso, pato, bibe, baboy at iba pa.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Atin pong ipapasa ang nasabing paksa sa chairman ng committee on rules Kgg. Padre
_____________________________________________________________________________________________
H. PAG-UULAT NG MGA KUMITE:

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Tayo po’y dadako na sa Pag-uulat ng mga Kumite

KGG. LINO PADRE JR. - Ito po’y pag-uulat hinggil sa reklamo kay Kapitana Cabigting ng Triala, natapos po ang pagsisiyasat sa ika-5 pandinig at natapos na nga po ang 90 days investigation at tayo ay nasa decision process na, yayamang may kopya naman ang bawat isa ay nais ko lamang pahapyawan ang reklamo, ito po’y ang isyu sa postdated check, ang pangalawa ay ang regravelling , pintura, at gamot, magpupulong po ang committee mamaya, meron din pong pag-uulat sa Brgy. Guiset, Programang Clean and Green, ito po’y naganap subalit iisang tao lang ang nakapirma sa payroll, sa paglilinis ng drainage canal po naman ay isinoli ang pondo ditto sa munisipyo, pag-aaralan ng committee mamaya para maidulog sa body, yan lang po.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Salamat Kgg. Padre, may nais pa bang mag-ulat

KGG. GAVINO LACSON JR. - Mr. Chairman, ito po ay tungkol sa Solid Waste Management Board na magkaroon ng Semi- Annual meeting sa ating bayan, na ang nasabing Board ay binubuo ng mga sumusunod:
Chairman - Mayor Jose Francis Stevens M. Dizon
Vice Chairman - Vice Mayor Roseller T. De Guzman

SECRETARIAT
Municipal Development Planning - Engr. Florante S. Serrano
Municipal Engineer - Engr. Felix David
Tourism Officer - Rhea Leyva Santos
Municipal Agriculturist - Sesinando dela Cruz
Local Civil Registrar - Engr. Rolando G. Occasion
Municipal Treasurer - Agueda Santos
Environment and Natural Resources Office - Felipe Lapada
Department of Social Work and Development - Lina Corazon E. Garampil

MEMBERS
Chairman, Com. On Environmental Protection - SBM Gavino Lacson Jr.
Chairman, Com On Health - SBM Erwin Mateo
Guimba East District - Romeo S. Ramones
Guimba West District - Romeo R. Vicmundo
ESI District – OIC
Our Lady of the Sacred Heart Academy - Miss Norma I. Galang
Deparment of Health - Dra. Ma. Gene Tadeo
Guimba National High School - Nila Mactal
Eulogio R. Dizon College of Nueva Ecija - Rosalinda M. Dizon
Market Supervisor - Edwin Abuan
Philippine National Police - P/Supt Renato O. David
TODA President - Joselito Marzan
JODA President - Peter Santiago
ABC President - Loenardo DC. Garcia
Market Vendors Association - Judy dela Cruz
Guimba Water District - Engr. Felixberto Legarda
Knights of Columbus - Sir Knight Loreto Esteban
Inner Wheel Club of Guimba - Mrs. Virgie Guillermo/Mrs.Helen Cucio
DILG - Louie Manarpiis
Junkshop Operator President - Any Representative
SK President - SBM Athena Roxanne Gragasin
Brgy. Captain Saranay - Capt. Nicanor Mendoza
Brgy. Capt. St. John - Capt. Gigi Magdurulan
Brgy. Capt. Sta. Veronica - Capt. Judy Dela Cruz
Brgy. Capt. Sto. Cristo - Capt. Celo De Vera

KGG. ARI VERGIL P. FABROS - Executive in character po yan, siya po ang gagawa ng
internal rules, nasa mayor na po yan, depende na po sa procedure nya, ang SB po ay hindi miyembro ng Board so hindi tayo puwedeng mag-utos dito.

KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Napakaganda ang sinabi ni Kgg. Fabros, nasa unang pagbasa pa lamang po, siguro sa second reading tayo magkaroon ng pag-uusap tungkol dito.

KGG. ARI VERGIL P. FABROS - Pwede naman na i-strike yan, pwede kasi di na madala sa second reading kung hindi ito naaangkop.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Meron pa bang nais mag-ulat, kung wala na tayo’y dadako na sa susunod na paksa
_____________________________________________________________________________________________
I. MGA DI NATAPOS NA GAWAIN:

WALANG NAKATALA
________________________________________________________________________________________________
J. PAHATID LIHAM:

WALANG NAKATALA
______________________________________________________________________________________________
K. URGENT MEASURE:

WALANG NAKATALA
_____________________________________________________________________________________________
L. MGA PAKSA SA IKALAWANG PAGBASA:

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - 1. Isang Resolusyon/Ordinansa na Naglalayong Lagyan ng Katagang “PRIVATE USE ONLY” ang lahat ng Tricycle na hindi Ginagamit na Pamasada, o Gamit Pampribado, Bago Mapagkalooban ng Plaka na may Nakasaad din na “PRIVATE USE ONLY.”.- PROPONENT: SBM PEDRO G. CABATBAT

KGG. PEDRO G. CABATBAT - Mr. Chairman, tulad ng dati laid on the table muna natin habang wala pa si ABC.

KGG. EDGARDO P. MANGALINO - Mr. Chairman, mungkahi ko po na para di ma-delay ang mga ganito, yung vice chairman ng committee ang mag-report at mungkahi ko na mag-submit ang bawat committee ng kaniyang mga miyembro para kung halimbawang absent ang chairman o vice chairman ay meron pang mga miembro na dapat magsulong ng mga resolution para maiwasan natin ang mga backlog na mga panukalang batas, yan lang po Mr. Chairman.

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - 2) Resolution for SB approval of Brgy. Ordinance No. 2 Series of 2009 of Brgy. San Rafael Guimba, Nueva Ecija

KGG. LINO G. PADRE JR. - Yamang ang Brgy. San Rafael ay nagbuo ng resolusyon sa paghingi ng buwis, maliban sa letter C, ang iba naman ay okey, yung toda ay masyadong mataas, mungkahi ko na ilagay sa ikatlong pagbasa

KGG. EDGARDO P. MANGALINO - Bago ko po pangalawahan, meron lang po akong gustong itanong sa Chairman ng Committee on Rules, halimbawa sa palay, ako halimbawa yung negosyante taga bayan ako, kumukuha ako ng Business Permit o BIR, complete business permit nagtatax pa po ako sa sasakyan, kung may bibilhin po ako sa barangay, sisingilin ako ng hauling, ibig sabihin sa bawat pasok ng truck ko sa bawat barangay eh magbabayad po ako, 64 barangay yan eh, nagbabayad pa ako sa munisipyo, magresearch po muna tayo baka double taxation na ito.

KGG. LINO G. PADRE JR. - Sa treasurer’s Office man po ay hindi malinaw kung ito ba ay double taxation o hindi.

KGG. ARI VERGIL P. FABROS - Base po sa double taxation, kapag po may taxing authority na magkaiba na kahit the same fiscal year ay walang double taxation.

KGG. EDGARDO P. MANGALINO - Karagdagan lang po, halimbawa po yung paniningil sa mga thresher, sa Banitan, ipopondo sa mga tanod ang masisingil na tax, wala pong saktong batas para sa paniningil ng barangay so ang paniningil ay walang katuturan, bago sana maningil ng piso o isang milyon ay may resibo na galling sa Treasurer’s Office para hindi kung sino-sino ang makikinabang, magkaroon po ng konkretong guidelines para dito, pinapangalawahan ko po.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - 3) Resolution for SB Approval of Brgy. Ordinance No. 1 Series of 2009 of Brgy. Galvan, Guimba, Nueva Ecija

KGG. LINO G. PADRE JR. - Katulad din po ng mungkahi ko kanina pakilagay sa 3rd reading

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - 4) Kapasyahang mahigpit na Nag-aatas sa mga Dayuhan Mamimili na tumubos ng Hauling Pass sa Lokal na pamahalaan upang makapamili ng Palay. PROPONENT: SBM PEDRO ESTABILLO

KGG. ARI VERGIL P. FABROS - Puwede sana ito’y talakayin kung may draft resolution pati po yung pang lima.

KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Tungkol po dito sa pagtubos ng Hauling pass ay na-laid on the table nung nakaraang sesyon din a po sana nailagay sa pangalawang pagbasa.

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Bago po namatayan si Kgg. Estabillo ay sinabi nya pos a akin na ilagay na lang muli ito sa pangalawang pagbasa subalit sa hindi inaasahang pangyayari ay pumanaw naman po ang kaniyang ama kaya po i-lay on the table na lang po muna natin ito.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Mr. Secretary paki lay on the table na lang muna ito.

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - 5) Kapasyahang magkaroon ng Pagkakakilanlan o Identification Cards mula sa munisipyo ang lahat ng Ahente ng mga mamimili ng palay. PROPONENT: SBM PEDRO ESTABILLO.

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Katulad din po ng pang-apat na paksa ay wala po ang Kgg. Estabillo na siyang proponent nito.

KGG. EDGARDO P. MANGALINO - Gusto ko lang po itanong kung sino ang Vice Chariman ng Agriculture, ngayon po si Konsehal Padre pala kung active po ang Vice tuloy-tuloy ang trabaho, hindi natin alam kung hanggang kailan di papasok si Kgg. Estabillo, laid on the table muna po ito.

KGG. LINO G. PADRE JR. - Nalagpasan po yata natin yung No. 3.

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Binasa ang No. 3 sa mga paksa sa ikalawang pagbasa. Resolution for
SB Approval of Barangay Ordinance No. 1 Series of 2009 of Barangay Galvan, Guimba, Nueva Ecija.

KGG. LINO G. PADRE JR. - Katulad na rin po ng sa halaga, masyado mataas (binasa ang tadhanain ng nasabing kautusan) iminumingkahi kop o na ito ay madala na sa pangatlong pagbasa.

KGG. ERWIN J. MATEO - Pinapangalawahan ko po.

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - 6) Resolution for approval of Proposed Municipal Annual Budget for 2010

KGG. LINO G. PADRE JR. - Mr. chairman, I move for the suspension of the rules

10:25 AM --- RULES SUSPENDED
Nagsasalita po ang ating bisita si Mr. Resty Cabato, para sa 2010 Annual Budget
Tinanong din siya ng mga Kgg. Mga Konsehal tungkol sa nasabing paksa.

11:05 AM - RESUMPTION

KGG. LINO G. PADRE JR. - Mr. chairman, I move for the resumption of the rules.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
M.MGA PAKSA SA IKATLONG PAGBASA:

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Tayo po’y dadako na sa Mga Paksa sa Pangatlong Pagbasa
1) SB Resolution No. 99-09-Resolution for Financial Assistance to San Roque Elementary School Amounting to
P2,000. PROPONENT: SBM LINO G. PADRE JR.

KGG. LINO G. PADRE JR. - Iminumungkahi ko na ang SB resolution No. 99-09 ay atin ng pagtibayin

KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Pinapangalawahan ko po.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Sa mungkahi ni Kgg. Padre at pinangalawahan ni Kgg. Lacson ang SB Resolution No. 99-09-Resolution for Financial Assistance to San Roque Elementary School Amounting to P2,000ay atin ng pinagtitibay.

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - 2) SB RESOLUTION NO. 100-09 Resolution for information campaign for re-cycling of Garbvage into Organic fertilizer. PROPONENT: SBM GAVINO M.LACSON JR.

KGG. GAVINO M. LACSON JR. - Iminumungkahi ko na ang SB RESOLUTION NO. 100-09 Resolution for information campaign for re-cycling of Garbvage into Organic fertilizer ay atin ng pagtibayin.

KGG. PEDRO CABATBAT - Pinapangalawahan ko po

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Sa mungkahi ni Kgg. Lacson na pinangalawahan ni Kgg. Cabatbat ang SB Resolution No. 100-09 Resolution for information campaign for re-cycling of Garbage into Organic fertilizer ay atin ng pinagtitibay.
_______________________________________________________________________________________________
N. IBA PANG TALAKAYIN:

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Tayo po’y dadako na sa Iba Pang Talakayin, kilalanin po natin an gating mga bisita, ang head ENRO Mr. Philip Lapada, at ang kaniyang Deputy Jobo Delantar, DA Mr. Sesinando dela Cruz, at ang Deputy COP PS/INSP. Engracio Calosa.

KGG. LINO G. PADRE JR. - Mr. chairman, I move for the suspension of the rules.

11:08 AM --- RULES SUSPEND
Sa kasalukuyan ay nagsasalita ang mga naimbitahan, sinagot ang mga tanong ng mga konsehal tungkol sa update ng nawawalang Shredder Machine sa MRF sa Banitan.

KGG. LINO G. PADRE JR. - Mr. chairman, I move for the resumption of the rules.
_______________________________________________________________________________________
O.PAGTITINDIG NG PULONG:

KGG. GAVINO M. LACSON JR. - iminumungkahi ko po ang pagtindig ng pulong

KGG. ARI VERGIL P. FABROS - Pinapangalawahan ko po.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Sa mungkahi ni Kgg. Lacson na pinangalawahan ni Kgg. Fabros ay atin na pong itinitindig ang pagpupulong na ito.

Pagtitindig ng Pulong --- 11:35AM

INIHANDA NI:

JOEL P. ENRIQUEZ
SB Secretary

PINATOTOHANAN:

Kgg. ROSELLER T. DE GUZMAN
Municipal Vice Mayor & Presiding Officer

Isinulat ni: 
JOEL P. ENRIQUEZ

Reply

CAPTCHA
This question is for testing whether you are a human visitor and to prevent automated spam submissions.
9 + 1 =
Solve this simple math problem and enter the result. E.g. for 1+3, enter 4.