Sino Ba Siya!
Submitted by onin on Thu, 01/21/2010 - 00:08.
in
Pinakabagong programa ng Radyo Natin Guimba na magpapakilala sa mga kumakandidatong pulitiko sa Bayan ng Guimba at lalawigan ng Nueva Ecija. Ito ay bahagi pa rin ng panawagan sa taong bayan ng bigyan dangal ang boto ngayong halalan.
Ipapakilala ng panauhing pulitiko ang kaniyang sarili at ihahayag ang mga usaping pambayan na nais nitong talakayin, gayundin ang kaniyang plata porma de gubyerno. Ang mga nakikinig ay hinihikayat namang makilahok sa pamamagitan ng pagpapadala ng text messages para graduhan kung "good", "better' o "best" ang pagtalakay ng panauhing pulitiko.