Sekretaryo ng SB Nagkabulutong sa Seminar

Written by: 
RNG FM News/PEBRERO 9, 2010
Program: 

WALANG naganap na sesyon ang Sangguniang Bayan (SB) ng Guimba nitong Lunes, Pebrero 9, 2010, dahil absent umano ang kanilang Kalihim. Hindi pa nakakabalik si Secretary Joel Enriquez mula sa dinaluhang kumperensya dahil ito ay nagkabulutong at hindi pinayagang makasakay ng eroplano.

Ayon kay Konsehal Jun Lacson, hinahanapan si Sec. Enriquez ng medical certificate bilang katunayang hindi nakakahawa ang kanyang sakit, kaya kailangan pa umano ng 15 araw bago lubusang gumaling at makakasakay na ito ng eroplano.

Gayunman, idinagdag ni Lacson, na kahapon ng umaga ay nag text sa kaniya ang Kalihim at pinabatid nito na magbabarko na lamang ang huli kaysa maghintay pa ng 15 araw. Tatlong araw umano ang biyahe sa barko.

Matatandaang sumama si Sec. Enriquez sa General Santos City sa mga Konsehal para dumalo sa inilunsad na pagpupulong ng Phillipine Councilor's League mga Konsehal. Doon na siya tinubuan ng bulutong.

Reply

CAPTCHA
This question is for testing whether you are a human visitor and to prevent automated spam submissions.
1 + 15 =
Solve this simple math problem and enter the result. E.g. for 1+3, enter 4.