Get involved. Support us.
Get Involved. Help us support our services. Please send donation details using the Contact Us page.
KAISAHAN NG MGA PUNONG BARANGAY SA KANLURAN AT HILAGANG BAHAGI NG GUIMBA, NUEVA ECIJA BLG. 01-2010
REPUBLIKA NG PILIPINAS
LALAWIGAN NG NUEVA ECIJA
BAYAN NG GUIMBA
KAISAHAN NG MGA PUNONG BARANGAY SA KANLURAN AT
HILAGANG BAHAGI NG GUIMBA, NUEVA ECIJA BLG. 01-2010
KAPASYAHANG PAMUNUAN ANG PETISYON NG MAMAMAYAN PARA SA PROYEKTONG PATUBIG SA KANLURAN AT HILAGANG BAHAGI NG GUIMBA, NUEVA ECIJA.
YAYAMANG, inilunsad ng Pamahalaang Nasyunal ang Casecnan Multipurpose Irrigation and Power Project (CMIPP) para patubigan libu-libo pang ektrayang palayan sa Lalawigan ng Nueva Ecija kasama ang mga bukirin sa kanluran at hilagang bahagi ng Bayan ng Guimba;
YAYAMANG, ang pagsasaka ang pangunahing kabuhayan sa aming mga Barangay na sa kasalukuyan ay lubhang magastos sanhi ng pagtaas ng presyo ng krudong gamit sa mga makinang patubig; at
YAYAMANG, kahilingan ng mga magsasaka at manggagwang bukid na mayoryang bumubuo sa aming mga Barangay na magpatupad ang pamahalaan ng kaaya-ayang sistema ng patubig sa mga sakahan;
DAHIL DITO:
AMING PINAGPASYAHAN, BILANG MGA PUNONG BARANGAY NA SUMASAKLAW SA KANLURAN AT HILAGANG BAHAGI NG BAYAN NG GUIMBA, NUEVA ECIJA NA PAMUNUAN ANG PETISYON PARA SA KATUPARAN NG PHASE 2 NG CASECNAN IRRIGATION COMPONENT AT ANG REHABILITASYON NG MGA SAPA AT ILOG NA MATATAGPUAN SA AMING MGA SINASAKUPANG BARANGAY .
PINAGTIBAY ANG KAPASYAHANG ITO, SA GINANAP NA KAPULUNGAN NG MGA PUNONG BARANGAY NOONG IKA-23 NG HULYO, 2010 SA COMPOUND NG RADYO NATIN GUIMBA SA STO CRISTO DISTRICT, GUIMBA, NUEVA ECIJA.
MGA PUNONG BARANGAY
Kgg. Charlie G. Velasco (Macamias); Kgg. Ludivico L, Guieb (Ayos Lomboy); Kgg. Carlito P. Castro (Yuson); Kgg. Carlito F. Soriano (Pacac); Kgg. Celestino C. Gamit (Lamorito); Kgg. Joey G. Santiago (Manggang Marikit); Kgg. Melchor E. Cabatbat (Lennec); Kgg. Adelina B. Tabios (San Marcelino); Kgg. Teodoro M. Rivera (Guiset); Kgg. Reynaldo C. Cayog (Partida I); Kgg. Juanita Sawit (Bacayao); Kgg. Roman B. Barroga (San Rafael); Kgg. Raymundo R. Bautista (Bagong Barrio); Kgg. Remedios L. Cabanting (Casongsong); Kgg. Rodolfo. B. Payog (Cavite); Kgg. Virgilio M. Pioquinto (Maybubon); Kgg. Fernando A. Wanta (Narvacan I); Kgg. Romeo E. Javier (Narvacan II); Kgg. Rodolfo N. Villarama (Pasong Inchic); Kgg. Dario L. Galdonez (San Agustin); Kgg. Alfredo Angel (Escaño); Kgg. Rodrigo S. Estabillo (Galvan); Kgg. Fernando Alfonso (San Andres); Kgg. Rolando Santiago ( Macapabenlag); Kgg. Vicente C. Baligad (San Miguel); Kgg. Ruben L. Bautista (Camiing)
PETISYON PARA SA PROYEKTONG PATUBIG NG MGA SAKAHAN SA KANLURAN AT HILAGANG BAHAGI NG GUIMBA, NUEVA ECIJA
REPUBLIKA NG PILIPINAS
LALAWIGAN NG NUEVA ECIJA
BAYAN NG GUIMBA
PETISYON PARA SA PROYEKTONG PATUBIG NG MGA SAKAHAN SA KANLURAN AT HILAGANG BAHAGI NG GUIMBA, NUEVA ECIJA
ISANG napakalaking tulong sa amin, bilang nagsasaka sa kanluran at hilagang bahagi ng Guimba, Nueva Ecija kung gagawin sa lalong madaling panahon ang Phase 2 ng Casecnan Irrigation Project ng Pamahalaang Nasyunal.
Batid ng Kagawaran sa Pagsasaka na ang aming bukirin ay umaasa lamang sa sahod-ulan at sa mga sapa na ngayon ay bumabaw na. Dulot nito ay ang paggamit ng magastos na makinang patubig o minsanan lamang na pagtatanim ng palay sa loob ng isang taon.
Inasahan namin noon ang pahayag ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Barangay Magtanggol, Lungsod Agham ng Muñoz, Enero 3, 2007, na matapos ang pagawain para sa pagpapatubig sa 10,000 ektaryang sakahan sa Muñoz, Guimba at Talugtug na saklaw sa Phase 1 ng Casecnan Irrigation Project ay susunod naman ang Phase 2 para sa 16,000 ektaryang pang palayan sa Guimba.
Ngunit natapos ang mga pagawain sa Phase 1 noong Disyembre 2008 at natapos din ang termino ni Pangulong Arroyo ngayong 2010 ay hindi nasisimulan ang konstruksyon sa Phase 2. Maging ang mga sapa at ilog na likas na imbakan ng tubig ay hindi naisasaayos para lubusang magamit sa pagpapatubig ng palayan.
Gayunman, sa pag-upo ni NOY-NOY bilang bagong PANGULO ng Bansa, na aming pinakinggan sa panawagang pagtahak sa “diretsong daan”, nabuhayan po kami ng pag-asa na makakarating din ang patubig ng gubyerno sa aming lugar.
DAHIL DITO, Kaming mga magsasaka ay lumagda para hilingin sa Kagawaran ng Pagsasaka, Kongreso at Lokal na Pamahalaan ang:
1. IMPLEMENTASYON SA PHASE 2 NG CASECNAN IRRIGATION COMPONENT SA PINAKA-MAAGANG PANAHON NG PANUNUNGKULAN NI PANGULONG BENIGNO SIMEON “NOY-NOY” AQUINO III; AT
2. REHABILITASYON NG ILOG BINITUAN, SAN FELIPE RESERVOIR SA LENNEC, PALESTINA CREEK SA BAGONG BARYO-YUSON-SAN AGUSTIN, GALAPON-TANDOK CREEK SA AYOS LOMBOY, LAMORITO CREEK, PARTIGO CREEK SA PASONG INCHIK-SAN RAFAEL, GATE NG MINI-DAM SA PARTIDA UNO AT IBA PANG SAPA.
Nakahanda po kaming makilahok at kumilos sa mga gawaing susuporta sa aming kahilingan.