Ang buhay ay parang musika, sumasalamin sa damdamin ng isang tao madaling makita kung siya ay malungkot o masaya batay sa pinakikinggan niyang awitin at maging sa inaawit niya…
Marami sa atin na ang libangan ay pakikinig sa musika/awitin/kanta, iba-iba man ang katawagan at uri ng mga ito, hindi maikakaila na naging bahagi ito ng ating buhay at mahirap na maisaisang tabi ang pagkahilig na ito.